NAHAHARAP sa kasong frustrated homicide at administratibo ang isang pulis makaraang ireklamo ng pang-uumbag sa Dasmariñas City, noong Agosto 23. Ayon sa utos ni P/BGen. Carlito Gaces, Regional Director ng CALABARZON, kay P/Col. Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO), masusing iniimbestigahan ang insidente ng umano’y pananakit ni Patrolman Christian Magwali Cinco, nakatalaga sa Tagaytay Component City Police Station, kay Juan Carlo Pantoja Luzada, 30, ng Barangay Saint Peter-2, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Hall ng Saint Peter-2 Dasmariñas City kung saan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PAGHAHANDA SA BSKE IPINORMA SA QUEZON
BILANG paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election 2023, sinimulan nang paganahin ang Quezon Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) for BSKE 2023, Sabado ng umaga sa Lucena City. Ang pag-arangkada ng PJSCC ay dinaluhan nina Provincial Election Supervisor, Atty. Allan S. Enriquez, Quezon Police Provincial Office Provincial Director, PCOL Ledon Monte at mga kinatawan ng AFP. Naroon din ang lahat ng hepe ng pulisya sa bawat bayan at munisipalidad at ang mga election officer sa buong probinsya. Ayon kay Ledon, mas paiigtingin ng Quezon PNP ang pagbabantay…
Read MoreP4-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang big time drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, noong Sabado ng hapon. Kinilala ang suspek na si Pangadapon Maondan Macatiwas, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Group (PDEG), SOU 4A (lead unit), Dasmariñas Police, PDEA 4A, RID 4A, RIU 4A at IMEG 4A, sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, na…
Read More13 KATAO NALASON SA ALIMANGO SA HANDAAN
PANGASINAN – Umabot sa 13 katao ang isinugod sa ospital nang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea matapos kumain ng seafoods sa isang handaan sa Barangay Bacnar, San Carlos City sa lalawigang ito. Ayon sa report, dumalo sa birthday party ang mga biktima at kumain ng handang seafoods na nakalagay sa bilao na inorder sa isang online seller sa bayan ng Mapandan. Subalit matapos ang kainan, nakaramdam ng mga sintomas ng food poisoning ang mga biktima, kabilang ang may kaarawan. Sa panayam sa binilhan ng seafoods, inamin…
Read MorePINAKABATANG HVI, HULI SA P142K SHABU
CAVITE – Sa edad na 18-anyos, kabilang na sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ang isang lalaki na nakumpiskahan ng P142,800 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Brgy. Anabu 2C, Imus City. Kinilala ang arestadong suspek na si Rainer Cabansag y Espinosa, alias “RJ,” residente ng Brgy. Anabu 2F, Imus, City. Ayon sa ulat ni Police Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, dakong alas-10:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police…
Read MoreBinatilyo napatay sa Oplan Sita 1 PANG PULIS POSIBLENG MASIBAK
RIZAL – Iniimbestigahan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagkamatay ng isang kinse-anyos na binatilyo matapos na mabaril ng isang pulis sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito. Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, inatasan niya ang Rizal Police na imbestigahan ang insidente ng pamamaril ni P/Cpl. Arnulfo Sabillo na ikinamatay ng binatilyong si John Francis Ompad. Ani Triambulo, posibleng maharap sa kasong grave misconduct at ‘conduct unbecoming of police officer’ si Sabillo, at kasong administratibo na maaaring maging basehan para masibak siya sa serbisyo. Bukod…
Read MoreAKYAT-BAHAY BULAGTA SA PULIS
CAVITE – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw makaraang nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad matapos na looban ang isang bahay sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Sa mismong pinangyarihan ng insidente nalagutan ng hininga ang suspek na si John Brix Simpelo, nasa hustong edad, ng Brgy. Manggahan, Gen. Trias City, dahil sa tama ng bala sa katawan. Ayon sa ulat ni Corporal Jochel Dayumat ng Gen. Trias City Police, pinasok ng suspek ang bahay ni Paul Aries Villalobos sa Brgy. Manggahan at tinangay ang ilang mahalagang gamit.…
Read More17-ANYOS ESTUDYANTE NATAGPUANG PATAY
CEBU – Isang 17-anyos na dalagitang senior high school student ang natagpuang patay sa Toledo City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Toledo police, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar sa gilid ng kalsada sa Purok 2, Sitio Saksak, Barangay Bunga Lutopan. May mga sugat at pasa ito sa kanyang leeg at walang pang-ibabang saplot nang matagpuan habang natatabunan ng mga dahon ng saging. Kinilala ng Toledo police ang biktimang si Sharmaine Flores Montebon, estudyante ng isang Catholic school. Huling…
Read MorePNP nag-deploy ng dagdag pwersa sa Negros Oriental HOTSPOTS POSIBLENG MADAGDAGAN PA
HINDI inaalis ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na madagdagan pa ang mga lugar na maituturing na hotspots o ‘areas of immediate concerns’. Ayon sa pamunuan ng PNP, posibleng madagdagan pa ang binabantayang ‘areas of grave concern’ ng government security forces dahil sa tumitinding mga tunggalian sa larangan ng pulitika. Ang mga ito ay itinuturing na election hotspots o ‘areas of immediate concerns’ habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. Sa ibinahaging datos ni PNP Public Information Office chief, PBGen. Red Maranan,…
Read More