KOREANO SA ‘NO SHOW’ SCAM, TIMBOG SA PAMPANGA

ARESTADO ang isang Korean national na wanted sa South Korea dahil pagkakasangkot umano sa isang “no show” scam sa kanilang bansa. Sa isinagawang pulong-balitaan, sinabi ni CIDG-NCR chief, Col. John Guiagui, isang joint operation ang ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group, Bureau of Immigration, Department of Justice at Korean National Police Agency noong Hunyo 28. Hindi nakapalag sa mga awtoridad nang arestuhin sa Angeles, Pampanga ang suspek na kinilalang si Park Junhyeon, 44-anyos, may Interpol Red Notice at nasa watchlist order bilang isang undesirable alien. Modus umano nito ang…

Read More

NEW LAWYERS HINIMOK NG SC ISULONG TUNAY NA HUSTISYA

HINIKAYAT ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ang mga bagong abogado na gamitin ang kanilang propesyon upang isulong ang tunay na hustisya at magkaroon ng kritikal na pag-iisip sa paglilingkod sa bayan. Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang Doctor of Laws, Honoris Causa mula sa Saint Louis University sa Baguio City, sinabi ni Leonen na ang batas ay dapat magsilbing sandigan ng katarungan at hindi kasangkapan ng pang-aabuso. Binigyang-diin din niya ang mga hamong dulot ng social media, artificial intelligence, kaginhawahan, at kasakiman, na aniya’y maaaring makaapekto…

Read More

NEW POSITIONS PARA SA MENTAL HEALTH PROGRAM NG DEPED APRUB SA CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang mga bagong posisyong nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ipinakikita lamang ng hakbang na ito ang patuloy na komitment ng pamahalaan na patatagin ang kamalayan sa mental health, at mga serbisyong sumusuporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga komprehensibong programa sa mga paaralan. Sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2600920, opisyal nang inaprubahan ng komisyon ang Qualification Standards para sa mga posisyon…

Read More

PAGPATAY SA DATING BISE ALKALDE AT ANAK, PLANADO – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na planado ng tatlong suspek ang pagpatay kay dating Abuyog, Leyte Vice Mayor James Bohol at anak nito. Sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Anti-Kidnapping Group Director BGen. Edwin Balles, kusa umanong umamin ang tatlong suspek sa kanilang ginawang krimen. Nauna rito, iniulat na sapilitang isinakay mula sa kanilang warehouse ng mga suspek ang mag-amang Bohol sa Mayorga, Leyte. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ang kanilang bangkay sa isang bangin sa Barangay Imelda, Silago, Southern Leyte. Nagpadala ng surrender feeler ang…

Read More

BUMIBYAHENG BUS, PINAULANAN NG BALA NG TANDEM

NAG-PANIC ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus nang mistulang gawing firing range ang kanilang sinasakyan ng riding in tandem habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Banaybanay, Amadeo, Cavite noong Martes ng umaga Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo na hindi naplakahan. Minamaneho ng driver na si alyas “Armando” ang isang pampasaherong bus na may plakang NKJ 2146, na nakarehistro sa ACB Transport Services of Las Piñas, habang binabagtas ang kahabaan ng CM Delos Santos Ave., Brgy. Banaybanay, Amadeo, Cavite patungo sa direksyon ng Amadeo…

Read More

BUROL SA HIGHWAY INARARO NG TRUCK; 4 PATAY, 11 SUGATAN

APAT katao ang patay at 11 ang sugatan matapos araruhin ng isang wing van truck ang mga nakikipaglamay sa burol ng patay, at ang anim na nakaparadang sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway sa Sitio Tumpukan, Barangay Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon, noong Lunes ng gabi. Batay sa imbestigasyon ng Pagbilao Police, northbound ang takbo ng truck nang makatulog umano ang 24-anyos na helper na siyang pinagmaneho ng sasakyan. Ipinasa umano ng orihinal na driver ang manibela sa helper upang makapagpahinga ito, Lumihis ang truck sa kabilang linya at dumiretso sa…

Read More

PLANONG MASS SHOOTING SA ESKUWELAHAN, NAPIGILAN SA SUMBONG NG ESTUDYANTE

cavite

NAHARANG ng mga awtoridad ang planong mass shooting sa loob ng General Mariano Alvarez Technical High School sa Cavite matapos isumbong ng isang Grade 10 student ang umano’y balak ng kanyang 15-anyos na kaklase. Hawak na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang menor de edad na suspek na si alyas “Emman” para sa kaukulang intervention. Ayon sa mga guro, agad silang nakatanggap ng impormasyon mula sa isa ring 15-anyos na estudyante tungkol sa planong pamamaril kaya mabilis na naabisuhan ang pulisya. Sa imbestigasyon, sinabi ng ina ng…

Read More

ESTUDYANTENG NAKASAGIP NG 2 BATANG NALUNOD, NAGING INSPIRASYON

NAGING inspirasyon ng kanyang mga guro at kaklase ang matagumpay na pagsagip ng isang Marine Transportation student sa dalawang batang nalunod sa isang beach resort kamakailan. Patunay ang ginawa ni Von Untalan, 20-anyos, na kahit basic knowledge lang sa emergency training, kapag ginamit nang wasto at tamang oras, ay sapat na para makaligtas ng buhay. Wala sa isip ni Untalan na siya ay magiging bayani noong Sabado, Hunyo 27, pero iyon mismo ang nangyari nang mapansin niya ang dalawang batang walang malay matapos malunod sa isang beach resort. Habang nagpapahinga…

Read More

TAAL VOLCANO MULING NAGBUGA NG ABO

MULING nagpakawala ng abo at usok ang Bulkang Taal matapos maitala ang panibagong minor phreatomagmatic eruption bandang alas-2:34 ng hapon nitong Martes, ilang oras lamang matapos ang naunang pagputok dakong umaga. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng apat at kalahating minuto ang pagsabog at binubuo ito ng tatlong magkakasunod na bugso na nagbuga ng maitim na abo at steam plume na umabot sa tinatayang 1,200 metro ang taas bago tinangay ng hangin pa northwest. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 450 metrong ash plume sa minor eruption na naganap bandang alas-7:13…

Read More