PATULOY ang natatanggap na pagkilala at parangal ng dating Marine Transportation student na si Von Raven Untalan na kamakailan ay nakapagligtas ng dalawang batang nalunod sa isang beach resort sa Catanauan, Quezon. Matapos siyang pagkalooban ng full scholarship at iba pang benepisyo ng Inter Global College Foundation Inc., (IGCFI), ginawaran naman siya ng pagkilala at gantimpalang cash money ng lokal na pamahalaan ng Catanauan bilang pagpupugay sa kanyang ipinakitang kabayanihan. Kinilala si Untalan sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan bilang pagkilala sa kanyang mabilis na pagresponde at tamang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Sa Polillo, Quezon TAKLOBO INILILIGTAS NG MGA MANGINGISDA SA PAGKAUBOS
SA halip na hayaan itong tuluyang maubos dahil sa ilegal na pangunguha, isang grupo ng maliliit na mga mangingisda sa Barangay Sibulan, Polillo, Quezon ang nagsimula ng isang experimental taklobo farm upang mailigtas ang higanteng kabibe na mahalagang bahagi ng yamang-dagat. Ayon sa grupo na pinamumunuan ng mangingisdang si Roderick Bo, sinimulan nila ang pag-aalaga ng mga taklobo noong kasagsagan ng pandemya matapos mapansin na dumarami ang nangongolekta ng mga ito dahil sa mataas na bentahan, kahit ipinagbabawal ang pagkuha sa naturang species. Sa tuwing may nakikita silang taklobo habang…
Read MoreP6-M MARIJUANA WINASAK SA JOINT AFP-PNP-PDEA OPERATION
NASA P6 milyong halaga ng marijuana ang sinira sa inilunsad na joint AFP-PNP-PDEA operation sa bayan ng Mawab, Davao de Oro. Ayon sa ulat, nagawang sirain ng government security forces ang tinatayang P6 milyong halaga ng marijuana plantation sa isinagawang joint anti-illegal drugs operation sa Sitio Bunlak, Brgy. Kasapa I, Loreto, Agusan del Sur. Kabilang sa mga elemento na nagsagawa ng marijuana eradication ang mga sundalo mula sa 60th Infantry (Mediator) Battalion, 10th Infantry (Agila) Division, Philippine Army, katuwang ang Loreto Municipal Police Station (MPS), 2nd Provincial Mobile Force Company…
Read MoreCUSTOMER, TINDERA NAOSPITAL SA KONTAMINADONG MINERAL WATER
NAOSPITAL ang isang kustomer at isang tindera matapos umanong makainom ng kontaminadong bottled mineral water na binili sa isang sari-sari store sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, unang nakatikim ng tubig ang kustomer ngunit agad nitong napansin ang kakaibang lasa at mabahong amoy kaya isinumbong ito sa may-ari ng tindahan. Tinikman din ng tindera ang laman ng bote upang beripikahin ang reklamo, ngunit nakaranas umano siya ng matinding hapdi sa bibig, hirap sa paghinga, at paso sa labi at dila, habang nakaramdam din ng…
Read More2 LALAKI SUGATAN SA PAMAMARIL SA CAVITE
TINUTUGIS ng pulisya ang suspek sa pamamaril sa dalawang kalalakihan sa Noveleta, Cavite Sabado ng gabi. Kapwa nilalapatan ng lunas sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang si alyas “Sebidio”, 40, at alyas “Prince”, 25, dahil sa tama ng bala sa katawan mula sa pamamaril ng suspek na si alyas “Jeric”. Ayon sa ulat Noveleta Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite bandang alas-11:47 ng gabi. Mabilis na nagresponde ang pulisya at naabutan ang mga biktimang may…
Read MoreESTUDYANTENG NAGLIGTAS SA 2 BATANG NALUNOD, BINIGYAN NG SCHOLARSHIP
ISANG kabayanihan ang hindi pinalampas na kilalanin ng isang paaralan sa Lucena City. Ginawaran ng Inter Global College Foundation Inc. (IGCFI) ng full scholarship ang dating Marine transportation student nitong si Cadet Von Untalan bilang pagkilala sa kanyang katapangan matapos mailigtas ang dalawang batang muntik nang malunod sa baybayin ng Catanauan, Quezon. Nauna nang naging laman ng balita ang insidente nang magsagawa si Von ng cardiopulmonary resuscitation o CPR sa isa sa mga batang nawalan ng malay matapos malunod. Dahil sa mabilis niyang pagresponde at tamang kaalaman sa lifesaving procedures,…
Read MoreNaaktuhan sa piling ng iba MISIS KINASUHAN NG ADULTERY NI MISTER
NAHAHARAP sa kasong adultery ang isang 20-anyos na babae at ang 20-anyos ding lover nito matapos maaktuhan ng mister ng ginang habang magkapiling at ipinahuli sa mga pulis sa San Mateo, Rizal noong Sabado ng gabi. Ayon sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station, palihim na sinundan ng 22-anyos na mister ang kanyang asawa hanggang sa Freedom Park sa Barangay Guitnang Bayan I, kung saan umano nito naaktuhang magkasama ang dalawa sa isang ‘intimate’ na sitwasyon. Dahil dito, hinarap ng complainant ang dalawa na nauwi sa suntukan bago nagresponde ang…
Read More2K LOOSE FIREARMS NAREKOBER NG PRO3
MALAKI ang naitulong ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa pagpapalakas ng kampanya laban sa loose firearms at nakapagtala ng mga operasyon na umabot sa 2,170 ang narekober na baril, nakapag-aresto, at naisampa ang mga kaso mula Pebrero 24 hanggang Hunyo 28, 2026, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nabatid na ang PRO3 ay nagsagawa ng 1,011 na operasyon laban sa loose firearms, isang 27.8 porsyentong pagtaas mula sa 791 na operasyon na isinagawa sa parehong panahon noong 2025. Ang pinaigting na pagsisikap na ito ay nagresulta sa pagkarekober…
Read MoreTRIGGER HAPPY SA CAVITE TINUTUGIS
PINAGHAHANAP ng pulisya ang isang hinihinalang trigger-happy na nagpaputok ng baril na tumagos ang bala sa bahay ng isang residente sa Maragondon, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa salaysay ni alyas “Myra”, may-ari ng isang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite, bandang alas-6:00 ng gabi nang makarinig siya ng tila isang bagay na bumagsak sa bubong ng kanilang bahay sa Brgy. Pantihan 4, Maragondon, Cavite. Inakala niyang ibon lamang ngunit nang kanyang inspeksiyunin ang pinanggalingan ng ingay ay nakita niya ang butas sa kanilang bubong at narekober ang…
Read More