QUEZON – Isa ang patay habang dalawa ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong truck sa Maharlika Highway, Brgy. Malinao Ilaya, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa Atimonan police, namatay ang isa sa mga driver ng truck na kinilalang si Julie Bose Jr., 35, tubong Masbate, at residente ng Brgy. Zapote, Bacoor, Cavite. Batay sa report, palusong sa kurbadang bahagi ng highway ang trailer truck na minamaneho ni Bose, patungo sa direksyon ng Bicol, nang mawalan ito ng preno at nawala sa kontrol ang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
115 ENGINEERS SINANAY PARA SA MRT-7 PROJECT
SUMAILALIM sa pagsasanay ang 115 engineering graduates na napili ng San Miguel Corporation mula sa iba’t ibang unibersidad sa bansa para sa commercial operations ng Mass Rail Transit (MRT-7) project sa 2025. “MRT-7 promises to be a game-changer for the Philippine transportation landscape, and we are confident our young professionals will set new benchmarks in efficiency, safety, and service excellence,”wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang. Ang mga bagong graduate na nagmula sa Polytechnic University of the Philippines’s (PUP) Railway Engineering Program ay nagsimula na ng training habang…
Read MoreDALAGA SINAKAL NG AMA
CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang ireklamo ng pananakal sa kanyang anak na babae sa Carmona City noong Linggo ng gabi. Nagpapagaling ngayon sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Sairine Montilla, 24, estudyante, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite matapos sakalin ng sariling ama na si Rizaldy Montilla, 44, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, masayang nagkukuwentuhan ang biktima at lola nito nang dumating ang lasing na suspek sa kanilang bahay dakong alas-10:00 gabi at sila ay sinigawan. Pagkaraan ay kinaladkad umano nito ang biktima saka sinakal hanggang…
Read MorePULIS IIMBESTIGAHAN SA PANGUNGUPIT
IPATATAWAG ng Cavite Police ang isang pulis na nakatalaga sa Philippine National Police Academy (PNPA) matapos akusahan ng kanyang kabaro na kumupit ng kanyang pera sa Silang, Cavite, noong Sabado ng hapon. Ang inirereklamo ay si Patrolman Allen C. Cando, 29, kasalukuyang nakatalaga sa CSS, GSSD ng PNPA sa Camp General Castaneda, Brgy. Tartaria, Silang, Cavite. Nabatid sa ulat ni Police Staff Sergeant Emerson Busto ng Silang Police Station, ipinarada ng nagrereklamong si Patrolman Johnnie Estacio, nakatalaga rin sa nasabing tanggapan, ang kanyang motorsiklong walang plaka sa harapan ng parking…
Read MoreBANGKA TUMAOB SA QUEZON, 11 SAKAY NAILIGTAS
QUEZON – Nailigtas ang 11 sakay ng isang bangkang de motor na tumaob matapos na abutan ng malakas na hanging habagat sa karagatan malapit sa baybayin ng bayan ng Panukulan, sa Polillo Island, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali. Ayon sa report ng Panukulan MDRRMO, kabilang sa nailigtas ang 23-anyos na piloto at may-ari ng bangka na si John Paulo Dela Cruz, kanyang misis at ang 2 buwang sanggol na anak ng mga ito, at 8 iba pang kaanak. Galing sa piyesta sa Barangay Bonifacio sa bayan ng Burdeos…
Read MoreINUMAN SA OPISINA: 8 OPISYAL NG PPA SIBAK
WALONG opisyal ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Bohol ang sinibak makaraang madiskubreng nag-iinuman sa loob ng kanilang opisina. Nakarating kay PPA General Manager Jay Santiago na ang umano’y mga opisyal na nakatalaga sa Port Management Office (PMO) Bohol ay nahuli sa CCTV na nag-iinuman sa loob mismo ng multipurpose hall ng opisina ng pantalan noong Agosto 16. Ayon sa ulat, ang kasiyahan ay bunsod ng pagdiriwang ng kaarawan ng Acting Port Manager ng Bohol na kinilalang si Lord Tyrone Agaton. Base sa imbestigasyon ng PPA, nakita sa surveillance video…
Read MoreHOLDAPER PATAY, 1 PA ARESTADO SA NAVY NA TINANGKANG BIKTIMAHIN
CAVITE – Patay ang isang hinihinalang holdaper habang arestado ang kasama nito makaraang barilin ng isang miyembro ng Philippine Navy (PN) na kanilang tinangkang holdapin sa Imus City, nitong Biyernes ng madaling araw. Namatay noon din ang suspek na si Abraham Banawa y Bello, nasa hustong edad, residente ng Brgy. Buhay Na Tubig, Imus City, matapos barilin ni Marvin Salamat Celis, 33, miyembro ng PN. Habang arestado naman ang umano’y kasabwat ng suspek na si Rohclem Maligaya y Maligalig, 37, ng Brgy. Malagasang 1G, Imus City. Ayon sa ulat ni…
Read MoreDUMALAW SA PUNTOD NI ERPAT, ITINUMBA
BATANGAS – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob ng sementeryo sa Brgy. Mataywanak, sa bayan ng Tuy sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Victor William Pedraza, residente ng Brgy. Rillo, Tuy. Ayon sa report, kasama ng biktima ang kanyang misis nang dalawin ang ang puntod ng kanyang ama sa Tuy Memorial Park Cemetery ngunit dumating umano ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinaputukan si Pedraza dakong alas-5:45 ng hapon. Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos…
Read MoreOBRERO NAGBIGTI SA BARRACKS
CAVITE – Nagbigti ang isang isang construction worker sa loob ng kanilang barracks sa isang construction site sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Isinugod sa Southern Tagalog Hospital ang biktimang si Saturnino Ribon, nasa hustong edad, construction worker ng Loriaga Construction Inc. sa ilalim ng Mega Structure Construction Inc. (MGS Inc.) at stay-in sa barracks ng itinatayong Brittany Hotel sa Ferrari, Daang Hari Road, Brgy. Molino 4, Bacoor City subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, nagsasagawa ang inspeksyon sa lugar si Eugene Macalong y Penaflor, 35, safety…
Read More