CAVITE – Arestado ang isang cashier makaraang tangayin ang kita ng gasoline station sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Zandro Morada y Mirtel, 43, cashier ng PTT gasoline station at residente ng Brgy. San Antonio, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ni Markiem Doblado, secretary ng PTT gasoline station sa Brgy. San Antonio 2, Noveleta, na nawawala ang vault ng gasolinahan na may lamang P49,365.10 cash at itinurong tumangay ang mismong cashier nila na si…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LALAKI NAKURYENTE SA ALULOD, PATAY
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang trabahador nang makuryente mula sa nasagi nitong alulod na dumikit sa linya ng kuryente sa Tagaytay City, noong Huwebes ng hapon. Dinala sa ospital ng Tagaytay ang biktimang si David Sevilla y Mayor, nasa hustong edad, ng Tagaytay City, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Ayon sa ulat, inaayos ng biktima ang bubong ng bahay ng isang Arsenia Felicitas y Cabrera sa Brgy. Sungay East, Tagaytay City dakong alas-5:00 ng hapon nang mabangga nito ang alulod ng bubong na dumikit sa isang live…
Read MoreNAKATAKAS MULA SA NBI NASILO SA CAVITE
CAVITE – Nakaposas pa nang damputin ng mga tauhan ng Cavite police ang isang takas mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), habang naglalakad sa Imus City noong Miyerkoles ng hapon. Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na si Mark Anthony Clemente y Cerenio, 23, delivery rider, residente ng Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Nino Corroland ng Imus City Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang mapansin ng barangay officials ng Malagasang I-E habang naglalakad na nakaposas ang suspek sa Malagasang Road, Imus…
Read MoreTIRADOR NG KABLE PATAY SA SEKYU
LAGUNA – Patay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na barilin ng security guard ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) compound sa Brgy. Lewin, sa bayan ng Lumban sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Lumban police, nakita umano ng security guard na si Ruben Aninao Delos Reyes Jr., sa loob ng compound ang isang lalaki habang kinukuha ang nakaimbak na cable conductor electric wire ng NGCP. Bunsod nito, nagpaputok si Reyes ng warning shot patungo sa direksyon ng suspek ngunit nagulat siya nang…
Read More5 PATAY, 1 SUGATAN SA KILLER TRUCK
BULACAN – Lima katao ang agad namatay habang kritikal ang isa pa nang salpukin ng tractor truck ang sinasakyan nilang AUV sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Malipampang, sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na pawang mga sakay ng AUV Toyota Innova na sina Nelson Magundayao, driver; Arlene Sipcon, Crispin Garcia Jr., Crisanto Garcia, at Christopher Lachica, habang nakaligtas naman si Jansen Grengia, 34-anyos. Nangyari ang insidente bandang alas-2:30 ng madaling araw na kinasangkutan ng Sino heavy tractor trailer truck…
Read MoreNANLOOB SA CONVENIENCE STORE, TIMBOG
CAVITE – Hawak na ng Trece Martires City police ang isang suspek habang tinutugis pa ang bayaw nito matapos holdapin at tangayin ang P10,000 halaga mula sa isang convenience store sa Trece Martires City noong Linggo ng gabi. Naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Jayson Elida y Alterado, 36, isang butcher, ng Brgy. Luciano, Trece Martires City, habang tinutugis ng mga awtoridad ang bayaw nito matapos holdapin ang Alfamart convenience store sa Brgy. Luciano, Trece Martires City. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Eduardo Reyes ng Trece…
Read More83-ANYOS NA BIYUDA PINATAY NG ANAK
CAVITE – Patay ang isang 83-anyos na biyuda nang takpan ng unan sa mukha ng sariling anak na may sakit na schizophrenia, sa Carmona City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Hawak na ng Carmona City Police ang suspek na si Enrico Morales y Clarito, 63, ng Brgy. 3, Carmona City, matapos patayin ang sariling ina na si Cecilia Morales y Clarito, 83, isang biyuda. Sa naantalang report ni Police Staff Sergeant Joel Mendoza ng Carmona City Police, dakong alas-12:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kanilang…
Read MoreMAG-INA SINALUBONG NG BUS, TODAS
CEBU – Nasawi ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo nang mabangga ng kasalubong na pampasaherong bus sa National Highway, Brgy. Minolos, bayan ng Barili sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Kinilala ng Barili police ang mga nasawi na si Beby Maambong, nagmamaneho ng motorsiklo, at ang backrider na ina nito na si Nancy Maambong, mga residente ng Barangay Sta. Lucia, Asturias, Cebu. Ayon sa report ng pulisya, galing sa Cebu City ang Ceres bus na minamaneho ng 45-anyos na si Niere Roldan Sestoso, taga El Pardo, bayan ng Boljoon, at…
Read MoreBATA TINAMAAN NG KIDLAT SA DAGAT
LUCENA CITY – Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat sa Barangay Dalahican, sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa report ng Lucena police, dakong alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng biglang pagbuhos ng ulan sa Lucena at katabing lugar dulot ng pag-iral ng thunderstorm. Kinilala ang biktimang si John Alexander Lagrazon Ballon, Grade 5 student, at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ina ng biktima, kasalukuyang naliligo sa dagat ang kanyang anak nang…
Read More