3 LAWLESS ELEMENTS PATAY SA AFP-PNP JOINT OPS

PATAY ang tatlong lawless elements sa ikinasang joint PNP-AFP operations nitong nakalipas na linggo na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng apat na high powered firearms, ayon sa militar. Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, commander ng Joint Task Force Central, naglunsad ng joint law enforcement operation ang mga tauhan ng Philippine Army 602nd Infantry Brigade at Cotabato Provincial Police Office laban kina Abdullah Kurdotoy at Jonathan Kadalem sa Barangay Macabual, Pikit, Cotabato, Sabado ng madaling araw. Sa ulat, bago pa madikitan ng mga awtoridad ang target na bahay ay sinalubong…

Read More

Mula sa bumagsak na Cessna plane sa Isabela RETRIEVAL TEAM NAHIRAPAN SA PAGBABA SA 6 BANGKAY

SINAGUPA ng Philippine Army at ng iba pang kasapi ng retrieval team ang masamang panahon at peligrosong terrain para maibaba ang anim na bangkay na sakay ng bumagsak na Cessna 206, ayon sa Isabela Incident Management Team (IMT). Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nahirapang marating ng retrieval team ang kanilang extraction point kung saan sila papalitan ng nag-aabang na second team na humahalili sa pagod na pagod nang grupo. Sa pinakahuling ulat, bandang alas-12:54 ng madaling araw kahapon nadala ng retrieval team ang labi ng piloto at mga pasahero…

Read More

LOLO PATAY, 3 IBA PA SUGATAN SA TANKER

CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lolo habang sugatan ang tatlong iba pa na pawang riders, nang araruhin ng isang Isuzu tanker sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga. Pawang isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang sina Luis Ligeralde y Silleza, 68; Martin Villanueva y Nibay, 55; Roselle Villanueva, 18; at Aljon Cebellina y Guillermo, 19, subalit idineklarang dead on arrival si Ligeralde. Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu Tanker na may plakang TQV 353, na si Godfrey Flores y Viacoles, 44, ng Brgy. Pulido, General…

Read More

QUAKE DRILLS LAYON BAWASAN CASUALTIES – NDRRMC

NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na lumahok sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan mahulaan kung kailan mangyayari ang lindol. “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. Earthquakes can happen anytime without warning and sometimes they can be as devastating as what happened in Türkiye,” ayon kay NDRRMC executive director Undersecretary Ariel Nepomuceno. Isinagawa ng NDRRMC ang first quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED),…

Read More

JAPAN TUTULONG SA OIL SPILL CLEANUP SA ORIENTAL MINDORO

HANDANG makipagtulungan ang mga tauhan ng bansang Japan na eksperto sa oil control, sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mapigilan ang pagkalat ng langis na tumagas sa Naujan, Oriental Mindoro. Base sa ulat ng PCG, direkta silang nakipag-ugnayan kay Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na nagsabing ang disaster relief expert team ng Japan ay darating sa bansa para tumulong sa paglilinis at pagkontrol sa oil spill. Noong Pebrero 28 nang tuluyang lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa…

Read More

INDIAN NATIONAL PATAY SA HOLDAPER

CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang dalawang  kalalakihan na nangholdap at pumatay sa isang Indian national sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga.  Kinilala ang biktimang si Jatinder Pal Singh, 38, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas matapos ang insidente.  Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Bacoor City, dakong alas-11:00 ng umaga nang maningil ng kanyang mga pautang ang biktima sa Arevalo Compound, Brgy. Real 1, Bacoor City.  Nilapitan umano ito ng mga suspek, nagdeklara ng holdap at tinangay ang…

Read More

POLICE OFFICIAL SA BRGY. CHAIRMAN SLAY, SUMUKO

NASA kustodiya na ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa Camp Vicente Lim, Laguna, ang umano’y isang opisyal ng pulisya na itinuturong sangkot sa pagpaslang kay San Carlos, Lipa City barangay captain Vivencio Palo na pinagbabaril ng mga suspek habang lulan ng kotse noong Pebrero y 26 sa Lipa City. Ayon sa pahayag ni P/Lt. Col. Eunice de Guzman, CALABARZON Police PIO, sa isang radio program, ang pulis na may ranggong police lieutenant colonel (PLTCOL) ay agad sumunod sa kautusan ni PRO4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mag-report sa regional…

Read More

Suspek nagpakamatay 4 MAGKAKAPATID MINASAKER NG STEPFATHER

CAVITE – Ipinadala pa sa FB Messenger ng isang tricycle driver ang larawan ng mga bangkay ng apat na mga batang kanyang minasaker, sa ina ng mga biktima saka ito nagpakamatay matapos magtalo ang mga ito dahil sa selos at hindi umano pagpapada ng pera ng ginang na OFW, sa Trece martires City noong Huwebes ng tanghali.  Kinilala ang magkakapatid na mga biktimang sina Princess Viajan Marie Dona, 4; Bianca Rose Bisa, 10; Jacklyn Joy Bisa, 6, at Conrado Bisa, 6, pawang natagpuang patay sa loob ng isang silid ng…

Read More

MAG-INA, 1 PA ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Nadakip ang tatlo katao, kabilang ang ina ng isa sa mga suspek na nakialam umano sa pag-aresto sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Rommel Organiza y Israel at Buenaventura Parado y Torres, kapwa nasa hustong edad Habang sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents), Art. 148 ng RPC (Direct Assault)…

Read More