QUEZON – Binawian ng buhay ang isang pasyente ng Quezon Medical Center sa Lucena City makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng nasabing ospital noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng Lucena City Police, malubhang napinsala ang ulo ng 42-anyos na biktimang si Exequiel Rioflorido, at nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Lumabas sa imbestigasyon, naiwang nag-iisa ang pasyente habang nag-aayos ng papel ang kasama nito para sa kanilang paglabas sa ospital. Nagulat na lamang ang mga nakakita nang bumagsak ito sa lobby sa ground floor mula sa overlooking area sa ikatlong…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
CPP-NPA SPOKESMAN PATAY SA ENGKWENTRO
LUGMOK ang Communist Party of the Philippine at ang armadong galamay nitong New People’s Army dahil sa pagkamatay ng kanilang ranking CPP-NPA leader at spokesman matapos ang sunod-sunod na military offensive na ikinasa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Negros Island. Ayon sa AFP 3rd Infantry Division, Philippine Army, ang pagkamatay ni CPP-NPA terrorist spokesman and ranking leader Romeo Nanta alyas “Juanito Magbanua/Juaning/Jack” nang makasagupa nila ang Army 94th Infantry Battalion, ay lilikha ng major setback sa terroristic plans and activities ng CTG sa Negros Island. Si Nanta, na mas kilala…
Read MoreRIDER NALAGLAG SA BANGIN, PATAY
QUEZON – Patay ang isang liaison officer na papasok sa trabaho nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay mahulog sa bangin sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Plaridel Police, maagang umalis ng kanyang bahay ang biktimang si Nelson Berdan, 32, sa Barangay Ilaya, Plaridel, para bumiyahe pa-Maynila patungo sa kanyang trabaho,, nang mangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa barangay road, hindi pa kalayuan sa kanilang bahay. Nag-overshoot umano sa kalsada ang motorsiklo ng biktima sa kurbadang bahagi kaya…
Read More86 ESTUDYANTE, 11 IBA PA NALASON SA LUMPIA
CAMP WINSTON S EBERSOLE, San Jose, Occidental Mindoro – Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Sablayan Municipal Police Station, katuwang ang Municipal Health Office (MHO), ang insidente ng food poisoning na nagresulta sa pagkaka-ospital ng 86 mag-aaral at 6 guro ng San Francisco Elementary School, at limang iba pa noong Lunes ng umaga. Isinugod ng MDRRMO Sablayan ang kabuuang 97 biktima sa San Sebastian District Hospital l makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan, ulo at pagsusuka pagkatapos kumain ng lumpiang gulay na binili lamang sa labas ng nasabing paaralan. Sa kasalukuyan, nasa…
Read MorePinayuhang manatili sa Kapitolyo KORTE LANG MAKAPAGPAPABABA KAY GOV. TEVES
KORTE lamang ang maaaring mag-utos na bumaba sa pwesto si Negros Oriental Governor Henry Teves. Giit ito ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Teves, bilang reaksyon sa naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapawalang-bisa sa panalo ng gobernador noong May 9, 2022 elections. Ito ay matapos i-kredito ng poll body ang mga boto na nakuha ng itinuring na nuisance candidate na si Ruel Degamo sa natalong gubernatorial candidate na si Roel Degamo. Maging ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay pinayuhan si Teves…
Read MoreBUS SYUT SA ZIGZAG ROAD 1 PATAY, 1 SUGATAN
QUEZON – Binawian ng buhay ang isang driver ng bus habang sugatan ang kasama nito nang ang kanilang sinasakyang service bus ay mahulog sa Zigzag Diversion Road sa Sitio Upper Sapinit sa Brgy. Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Kinilala ang namatay na driver na si Marcus Cabanela, 38-anyos, residente ng Brgy. Tumana, Marikina City. Ayon sa report ng Pagbilao Police, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi, patungong direksyon ng Maynila ang Isarog Transport bus na kargado ng mga kahon ng seafoods ngunit pagsapit nito sa pababa at kurbadang bahagi ng…
Read More2 pa kritikal MARILAO MAYOR PATAY SA AKSIDENTE SA CLARK
BINAWIAN ng buhay ang alkalde ng bayan ng Marilao sa lalawigan ng Bulacan habang sugatan naman ang driver/bodyguard at sekretarya nito matapos sumalpok ang sasakyan nila sa isang poste ng kuryente sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga noong Linggo ng hapon. Kinumpirma ng anak ng alkalde na si Jackielou Silvestre-Guillermo, ang pagkamatay ng kanyang ama na si Mayor Ricky Silvestre, 65, na isinugod sa Medical City sa Clark Freeport Zone ngunit binawian ng buhay. Kritikal naman ang driver/ bodyguard na si P/SSgt. Rodel Gojo Alcantara, 48, residente ng Sta. Maria, Bulacan na isinugod sa nasabi…
Read MoreAway sa lupa PAMILYA INAMBUSH 3 PATAY, 3 MALUBHA
ANTIPOLO CITY – Patay ang tatlo katao habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang tatlo pang biktima matapos tambangan at pagbabarilin ng tatlong riding in tandem kahapon sa Antipolo City. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga napatay ‘on the spot’ na sina Andrei Mosquete, Dennis Payla, at Rodolfo Dela Rosa habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital sina Eduardo Dumangas, Avelina Dumangas, at Gemina Amores. Ayon sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi noong Oktubre 9, sa Sitio Cabading, Marcos Highway, Brgy. Inarawan, sakay…
Read MoreBANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY
CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City. Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat…
Read More