MAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang 14-anyos na estudyante at pinsan nito matapos na pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jimber Perez, Grade 8 student, at Alexander Perez, 18-anyos, parehong residente ng Brgy. Masin Sur. Batay sa report ng Candelaria Police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas-08:20 ng gabi. Dumating umano ang suspek na si John Peter De Villa, 23, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng…

Read More

6 DUMAGAT TUMBA SA DIARRHEA

QUEZON – Binawian ng buhay ang anim na Dumagat makaraang dapuan ng sakit na diarrhea sa bayan ng General Nakar sa lalawigang ito. Sinabi ni Provincial Health Officer Kristine Villasenor, naitala ang unang pagkamatay noong Setyembre 26 sa Barangay Lumutan kung saan dead on arrival ang biktima sa Rural Health Unit sa  Tanay , Rizal. Kasunod noon ang lima pang biktimang namatay habang mahigit 70 kaso pa ang naitala noong Setyembre 29. Bukod sa pagtatae, nakaranas din ang mga biktima ng matinding  ubo’t sipon. Sa ngayon, wala pa umanong diarrhea outbreak…

Read More

Contractor ng dam idedemanda ng NIA PAGLUBOG NG BULACAN PINANGANGAMBAHAN

LUBOS na pinangangambahan ang nakaambang perwisyo sa milyong residente ng lalawigan ng Bulacan sa sandaling bumigay ang isang bahagi ng Bustos Dam na napinsala, dalawang taon na ang nakaraan. Panawagan ng Sangguniang Panlalawigan ng naturang probinsya sa National Irrigation Administration (NIA), obligahin ang ITP Construction, Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd. para kagyat na ayusin ang sirang rubber bladder sa Bay 5 ng Bustos Dam lalo pa’t pasok pa sa warranty na nakapaloob sa kontrata ang pagkukumpuni ng dambuhalang imbakan ng tubig. Ayon sa Sangguniang Panlalawigan, hindi dapat…

Read More

MAG-ASAWANG NPA SUMUKO

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Bunsod ng pangamba sa kanilang buhay at kaligtasan, nagdesisyon ang mag-asawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) na iwaksi na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsuko sa mga tropa ng 5th Special Forces Battalion sa Brgy. Ned, Lake Sebu, South Cotabato. Kinilala ang sumuko na si alyas “Loloy”, isang political instructor, kasapi ng Platoon Madrid ng South Regional Command Daguma, at misis nitong si alyas “Lalay”, isang medic sa nasabing pangkat, kapwa sa ilalim ng Far South Mindanao Region.…

Read More

P1-M TINANGAY NG NAKAPUTING VAN

LAGUNA – Tinatayang P1 milyong cash ang natangay ng hindi kilalang mga armado makaraang holdapin ang general manager ng isang gaming company habang sakay ng kanyang kotse sa provincial road sa Barangay Calumpang sa bayan ng Liliw sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Garry Boy Vallejo, general manager ng Gallotech Venture Inc. Batay sa report ng Liliw Police, hinarang ang biktima ng mga suspek na armado ng baril na sakay ng isang puting van habang ito ay bumibiyahe patungo sa Sta. Cruz, Laguna dakong alas-2:00 ng hapon…

Read More

MAGKAANGKAS SA MOTORSIKLO NATUMBOK, 1 PATAY

patay

CAVITE – Namatay ang isang lalaki habang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima nang banggain sa likurang bahagi ang kanilang motorsiklo ng isang Isuzu rebuilt jeepney sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa ospital sina Mark Vincent Delos at RJ Ocampo, kapwa nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt jeepney na may plakang RF G985, na si Niño Lumagui, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 nang mangyari ang insidente sa…

Read More

BINATILYO TINAGA NG TIYO DAHIL SA MAINGAY NA TAMBUTSO NG MOTORSIKLO

TINAGA ang 16-anyos na estudyante ng tiyuhing kapitbahay na naingayan sa tambutso ng kanyang motorsiklo sa Calaca City, Batangas nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calaca City police, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang dumating ang biktima sa kanilang bahay sa Sitio Duyo, Brgy. Timbain sakay ng motorsiklo. Subalit bigla na lamang lumabas ang suspek na si Dante Matira at galit na sinita ang pamangkin dahil umano sa gabi-gabing pagkaistorbo nito sa pagtulog dahil sa ingay ng motorsiklo. Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa mauwi sa pananaga ng…

Read More

MAUBAN, QUEZON NALUBOG SA BAHA

LUBOG na sa baha ang maraming lugar sa kabayanan ng Mauban, Quezon. Ayon kay Aldrin Ferayra, rescuer at miyembro ng monitoring team ng Mauban MDRRMO, dulot ito ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan mula Linggo ng gabi. Hanggang alas-7:00 kahapon (Martes ng umaga) ay patuloy na nakararanas ng pag-ulan sa lalawigan. Nabatid na umabot na hanggang binti ang taas ng tubig sa mga binabahang lugar dahilan para suspendihin ang pasok sa eskwela. Samantala, Lunes ng hapon hanggang gabi ay nalubog din sa baha ang kabayanan ng Boac, Marinduque.…

Read More

Nabistong front lang ang ukay-ukay business MAGBAYAW HULI SA DROGA

CAVITE – Nabuking ang modus operandi ng isang magbayaw na umano’y ginawang drug front ang ukay-ukay business para manghikayat ng customer, matapos maaresto sa buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P340,000  halaga ng  shabu sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Rusty Nakon y Guiamlo, 25, at Baby Daludong y Guiamal, 33, kapwa residente ng Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni Pat. Jeffrey S. Gutierrez ng Alfonso Police Station, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP DEG-SOU…

Read More