2 TODAS SA MOTORCYCLE ACCIDENT SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawa ang patay sa dalawang magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo at isang tricycle sa lalawigang ito, noong Linggo. Nangyari ang unang aksidente sa Sto. Tomas-Lipa Road sa Barangay San Isidro kung saan sumemplang ang tricycle na minamaneho ni Walter Esuma, 34, matapos na sumalpok sa gutter ng kalsada noong Linggo ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa grabeng pinsala sa katawan. Grabe ring nasugatan ang pasaherto nito na si Pedro Bintang, 24, nilalapatan ng lunas sa ospital. Samantala sa Batangas City,…

Read More

Driver umiwas sa tumatawid PASAHERO NG AMBULANSYA PATAY, 4 SUGATAN

CAVITE – Imbes na masagip ang buhay, hindi na nakarating pa sa ospital at tuluyang nalagutan ng hininga ang isang 34-anyos na pasyente nang bumangga sa mga sasakyan ang sinasakyan nitong ambulansiya nang iwasan ng driver nito ang isang taong tumatawid sa kalsada na nagresulta rin sa pagkakasugat sa apat katao sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Joselito Rotaryo habang ang mga nasugatan ay sina Nina Madrigal, 38; April Tibayan, 32, pawang residente ng Nasugbu Batangas, mga pasahero ng ambulansiya;…

Read More

BULACAN NAMAKYAW ULIT NG PARANGAL

HINDI pa man humuhupa ang pagdiriwang ng Bulacan, kinilalang pinakamayamang lalawigan sa buong bansa, muli itong rumatsada makaraang humakot ng parangal para naman sa husay ng programa sa population development. Sa pagtatapos ng validation ng Commission on Population and Development (CPD) – Region III, nasungkit ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang prestihiyosong “The Outstanding Population Structure (TOPS) regional award sa kategoryang Adolescent Health and Development at Population and Development Integration Component. Pumangatlo naman ang Bulacan sa kategoryang Population Program Implementation. Binigyang pagkilala naman ni Bulacan Gov. Daniel…

Read More

P68-M SHABU NASABAT SA 3 HIGH VALUE TARGET

LAGUNA – Arestado ang tatlong high value target ng mga awtoridad habang 10 kilong shabu na tinatayang P68 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa San Pedro City noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, P/Col. Rogarth Bulalacao Campo, kay Calabarzon Regional Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35; Shamewayne Darvin, 19, at Benz Gonzales, 21-anyos. Kasama ring nadakip ang isang 17-anyos na binatilyo. Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba bandang…

Read More

Sa puspusang kampanya laban sa insurhensiya 52 NPA NAPATAY NG PNP-PRO5

NAGBUNGA ang mahigpit na pagsisikap ng PNP-Police Regional Office 5 na durugin ang wakasan ang insurhensiya sa rehiyon sa pamamagitan ng regular na internal security operations na humantong sa pagkaneyutralisa ng maraming kasapi ng communist terrorist group, ayon sa kanilang datos na sumasaklaw sa panahon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ayon sa kanilang tala, umabot sa 150 rebelde ang naaresto, 342 ang nahikayat na bumalik sa kawan ng batas, at 52 naman ang napatay sa aktwal na engkwentro. Nagresulta rin ito sa pagkakakumpiska at pagbawi ng 358 sari-saring mga…

Read More

CALABARZON, NO. 1 PA RIN SA BAKUNAHAN

NANGUNGUNA pa rin ang rehiyon ng Calabarzon sa may pinakamaraming indibidwal na nabakunahan sa isinagawang una at ikalawang araw ng Bayanihan, Bakunahan 2, base sa ulat ng DOH Regional Daily Accomplishment Vaccination Report noong Disyembre 16, 2021. Umabot sa 113,147 ang mga nabakunahan kung saan may pinakamaraming nabakunahan sa lalawigan ng Batangas, 33,122; sumunod ang Cavite, 24,880; Quezon, 19,277; Rizal, 18,8446, at Laguna, 17,422. Ayon kay DOH 4-A Regional Director Ariel Valencia, “We will endeavor to vaccinate each and every eligible resident and achieve our target of at least 70% herd immunity. Magkakaroon pa…

Read More

SIARGAO UNANG HINAMBALOS NG BAGYONG ODETTE

NAGING ganap na super typhoon ang Bagyong Odette bago tumama sa Siargao Island bandang ala-1:20 ng hapon ng Huwebes. Sumentro sa nasabing isla ang bagyo at napanatili ang lakas na 185 kph at may pagbugsong 230 kph. Kasunod nito, itinaas ang signal number four (4) sa Southern Leyte, eastern portion ng Bohol, Dinagat Island, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands. Ayon sa PAGASA, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran o Kanluran ang bagyo. Posible rin itong mag-landfall sa Dinagat Islands bago tahakin ang ilang…

Read More

LOOSE FIREARMS, PAGS PRAYORIDAD NG PNP-PRO5

HABANG papalapit ang May 9, 2022 local and national elections, mas pinaigting ng PNP-PRO5 ang kampanya kontra loose firearms at private armed groups (PAGs). Ito ay upang tiyakin ang matapat, ligtas, maayos at malayang pagpili at pagboto ng publiko sa kandidatong kanilang napupusuan bilang mga lider. Maaga pa lang ay inalerto na ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, ang buong hanay ng pulisya ng Bicol upang patuloy na subaybayan ang sitwasyon at maagapan ang ano mang insidente na maaaring maganap sa nalalapit na pagsisimula ng kampanya bago ang araw…

Read More

P1.87-M shabu nasamsam 4 DUMAYO SA BICOL, NASUKOL NG PNP-PRO5

APAT na kasapi ng isang drug syndicate na dumayo sa Bicol Region, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa isinagawang anti-narcotics operation sa Brgy. Kinale, Polangui, Albay. Ayon sa ipinaabot na ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen.  Jonnel C. Estomo ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, nasakote ang mga suspek na sina Celmel John Lapiz y Guico, 27, ng Brgy. Batong Malaki, Charmaine Erlandez y Padilla, 33, ng Brgy. Timugan, parehong sa Los Baños, Laguna; Ronald Mendoza y Rayos, 50, residente ng Brgy. Alangilan, at…

Read More