Nakalimutang mag-face mask 2 HOLDAPER TIMBOG

TIMBOG ang dalawa katao na tirador ng mga convenience store, makaraang sitahin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa Binangonan, Rizal. Kinilala ni Rizal Provincial Police Director, Col. Dominic Baccay ang mga suspek na sina Moneth Aguado Landicho at Marlo Jun Laureno. Ayon sa ulat, nakasalubong ng dalawang pulis noong Martes si Landicho na walang suot na facemask habang naglalakad sa kahabaan ng Barrio Road, Barangay Tayuman dakong alas-7:00 ng gabi. Ngunit biglang tumakbo si Landicho habang sinalubong naman ito ni Laureno para saklolohan. Hinabol ang mga ito…

Read More

Nakalusot sa walong bala LGU EXEC INAMBUSH

MARILAO, Bulacan – Hindi maipaliwanag ng isang 54-anyos na opisyal ng lokal na pamahalaan kung paano niya nalusutan ang aniya’y tiyak na kamatayang kalakip ng pananambang ng isang armadong salarin sa Sitio Tibagan, sakop ng Barangay Sta. Rosa-2 kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang 54-anyos na malapusang biktima bilang si Wilfredo Diaz na tumatayong municipal administrator ng bayan kung saan naganap ang pananambang. Sa paunang ulat, sakay ng kanyang Mitsubishi Montero patungo sa kanyang tanggapan sa munisipyo ang biktima nang biglang sumulpot sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan ang…

Read More

P103-M MARIJUANA SINUNOG SA KALINGA

TINATAYANG P103 milyong halaga ng marijuana ang sinunog kasunod ng isinagawang anti-illegal drug operations (marijuana eradication) sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga. Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang kanyang mga tauhan kasama ng Joint Task Group Peace and Justice, mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at local police, sa Brgy. Tulgao East at Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong, pawang nasa Tinglayan, Kalinga. Agad na ipinag-utos ang agarang pagsunog sa 485,900 fully grown marijuana plants (FGMP), 72,000 grams…

Read More

CARNAP GROUP MEMBER HULI SA P103K SHABU

CAVITE – Makaraang magpahinga sa carnapping, sa ilegal na droga luminya ang isang miyembro ng Arevalo carnapping group ngunit nasilat at naaresto sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng mahigit P103,000 halaga ng ilegal na droga sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Henry Bella y Flores, 50, may asawa, residente ng Imus City. Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, alas-7:30 ng gabi noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PIU/PDEU Cavite PPO, at Imus CPS sa…

Read More

Pag-atake kinondena ng Bicol PNP PULIS PATAY SA PAGSALAKAY NG NPA

ISANG tauhan ng PNP 504th Maneuver Company ang namatay nang salakayin ng communist New People’s Army ang himpilan nito sa Barangay Esperanza, sa bayan ng Pilar sa lalawigan ng Sorsogon dakong 6:54 ng gabi noong Lunes. Ayon sa report mula sa Sorsogon Police Provincial Office, tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng armadong rebeldeng grupo at ng mga pulis na agarang ikinamatay ni P/Cpl. Ryan M. Atos. Mariing kinokondena ng buong hanay ng PNP Bicol, sa pangunguna ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C Estomo, ang pataksil…

Read More

Sanggol sugatan GINANG, 1 PA NAPATAY NG ‘EX’ BAGO NAG-SUICIDE

LAGUNA – Patay ang isang ginang at isa pang biktima nang pagsasaksakin ng dating live-in partner ng una sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, sumugod sa bahay ng biktimang si Marissa Macunat Espinosa, 52, ang suspek na si Ruben Junneful Goden, sa Brgy. Macabling at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Humantong ito sa pananaksak ng suspek sa dating ka-live in na agad nitong ikinamatay. Tinangka naman ng manugang ni Espinosa na si Carol Bermundo Mamaril, na…

Read More

Sa paglabag sa Bayanihan 1 QUEZON COUNCILOR INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

NASASANGKOT sa panibagong kaso si Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag umano nito sa ilang probisyong nakasaad sa Republic Act 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal As One Act”. Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataon na nilagay umano ni Yulde sa delikadong sitwasyon  ang mamamayan ng Quezon sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 noong Mayo, 2020. Panimula ng nagrereklamo, nag-post si Yulde ng isang flowchart at tinawag itong “guidelines on the implementation…

Read More

Daulah Islamiya-Maute group target ng militar KUTA NG MGA TERORISTA SA LANAO, BINOMBA

KINUMPIRMA ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., pinuno ng AFP Western Mindanao Command, na naglunsad sila ng isang major military operation sa Barangay Ilalag, bayan ng Maguing sa Lanao del Sur. Ayon sa inisyal na ulat, matapos ang isinagawang air strike ng dalawang Philippine Air Force assets, sinalakay ng ground forces mula sa apat na infantry battalion, ang liblib na bahagi ng nasabing area kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat, may 2 kasapi ng Daulah Islamiya-Maute Group ang napaslang habang isang sundalo ang napatay at apat ang sugatan…

Read More

PAGBABAKUNA SA 1,562 BATA ISINAGAWA SA ILANG MALL SA BULACAN

NASA kabuuang 1,562 batang edad 5-11 ang nabakunahan sa isinagawang nationwide ‘Resbakuna Kids’ sa SM City Baliwag, SM City San Jose Del Monte (SJDM) at SM City Marilao sa lalawigan ng Bulacan. Sinimulan ng SM City Baliwag nitong Lunes ang pilot vaccination activity sa pangunguna at pakikipagtulungan ng health office mula sa local government units (LGU). “Today is a special milestone, especially for the kids of Bulacan. They have an added layer of protection against the virus, and because of that, malling will be happier and a lot safer for…

Read More