HALOS umabot sa P400 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Kalinga sa Cordillera Region sa loob ng sampung araw sa tuloy-tuloy na joint anti-narcotics operation ng Armed Forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Kalinga. Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., libo-libong puno ng marijuana ang binunot at sinunog ng Joint Task Group Peace and Justice, katuwang ang PDEA, PNP at National Bureau of Investigation sa inilunsad na anti-illegal drug operations sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P7.2-M shabu nasamsam 6 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5
TINATAYANG umabot sa P7,243,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska makaraang madakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na anti-narcotics operation katuwang ang PDEA ROV. Ayon sa ulat na isinumite sa Bicol PNP chief, dalawang umano’y drug pusher ang nahulihan ng 100 gramo ng shabu matapos na bentahan ang isang pulis na umaktong poseur buyer. Kinilala ang mga suspek na sina Hiroji Tesorero y Clarion, 39, at Froilan Teves y Tud, 41-anyos. Bukod sa…
Read MoreNPA REVOLUTIONARY TAX COLLECTOR, SUMUKO
UNTI-UNTI nang nanunumbalik ang tiwala ng mga kasapi ng rebeldeng NPA sa gobyerno at patunay rito ang kanilang sunod-sunod na pagbabalik-loob. Sa probinsya ng Masbate, isa na namang miyembro ng rebeldeng samahan ang piniling muling tahakin ang maayos, marangal at tahimik na pamumuhay. Sumuko sa pinagsamang mga operatiba ng Pio V. Corpus MPS; PIU at 2nd PMFC ng Masbate PPO; PIT-RIU5, at IOS FIID PNP-SAF ang isang rebeldeng itinago sa pangalang “Marita”. Siya ay aktibong miyembro ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4 sa ilalim ng COMPROB ng Rogelio Suson…
Read MorePEKENG AGENT, NAMARIL SA BATANGAS
BATANGAS – Isinuplong ng sariling ama ang isang 44–anyos na lalaki na walang habas na nagpaputok ng baril sa Brgy. Muzon, sa bayan ng San Luis sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng hepe ng San Luis Municipal Police Station na si P/Lt. Geronimo Manalo kay Batangas Provincial Director P/Col. Glicerio Cansilao, kinilala ang suspek na si Sherwin Holgado y Mañabo na tubong Cabanatuan City. Base sa ulat ng himpilan ng pulisya, bandang alas-4:16 ng hapon noong Martes nang iulat ni Florendo ang insidente ng pagpapaputok ng baril ng kanyang anak.…
Read MoreSuspek nagtangkang magpakamatay BEBOT KINATAY NG DATING KA-LIVE-IN, 1 PA SINAKSAK
CAVITE – Patay ang isang 31-anyos na ginang habang kritikal ang isa pang biktima makaraang pagsasaksakin ng dating live-in partner ng una at pagkaraan ay nagsaksak din sa sarili ang suspek sa Imus City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang namatay na si Janna Harodin Jama ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isa pang biktimang si Jovelyn Grama Lucero, nasa hustong edad. Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang suspek na si Roger Sta. Ana Pahayahay, 54, ng…
Read More1,050 counts ng statutory rape, 382 counts ng rape REGIONAL MOST WANTED, LAGLAG SA PNP-PRO5
WINAKASAN ng PNP-PRO5 ang paghihirap ng dalawang paslit at isa pang biktima sa kamay ng 63-anyos na lolo na tinaguriang rank 1 regional most wanted person ng PNP Bicol, dahil sa 1,050 counts ng statutory rape, at 382 counts ng rape, sa pamamagitan ng pagdakip sa suspek ng mga tauhan ni Bicol PNP Regional Director Jonnel C. Estomo. Ayon sa ulat mula sa Catanduanes Police Provincial Office, isang law enforcement operation ang inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ng Caramoran MPS, Regional Intelligence Unit-Provincial Intelligence Team (RIU-PIT) 6 Catanduanes,…
Read More4 WANTED PERSONS NADAKIP NG PNP-PRO
ARESTADO ang isang murder suspect at tatlong akusado sa panggagahasa sa ikinasang magkakahiwalay na law enforcement operation ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo. “We learn the value of the voice of children when they are silenced,” ani P/BGen. Estomo matapos na dayuhin ng mga awtoridad ang Norzagaray, Bulacan para dakpin si Sandy Mejidana Loreto, 31, construction worker, residente ng Purok 1, Malabog, Daraga, Albay. Ayon sa record ng PNP-PRO5 Daraga, ang suspek ay nahaharap sa kasong statutory rape, child abuse at sexual assault matapos ipagharap…
Read MoreMakaraan ang air sortie sa Lanao del Sur DUROG-DUROG NA KATAWAN, BARIL, SHABU NASAMSAM
PITONG durog-durog na katawan ng mga kasapi ng Daulah Islamiyah – Maute Group ang nakuha ng militar habang umabot sa 45 high powered firearms at 5 kilo ng shabu ang nasamsam matapos ang isinagawang air sortie ng Philippine Air Force at ground assault ng Philippine Army sa Maguing, Lanao del Sur. Sa pagsisimula ng month long Philippine Army 125th anniversary na may Temang “Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat”, ay tiniyak ni Army commanding general, Lt. Gen. Romeo Brawner na hindi na mauulit pa ang madugong Marawi siege na kumitil ng…
Read More60 KILONG SHABU SILAT SA BULACAN
TUMATAGINTING na P408 milyong halaga ng umano’y ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba sa pinagsanib na operasyon sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan noong Miyerkoles ng umaga. Arestado sa nasabing anti-illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang suspek na kinilala sa pangalang Jalon Supe Laureta mula sa Bacoor, Cavite. Sa datos ng PDEA, lumalabas na isa sa pinakamalaking personalidad ang…
Read More