‘ADIK’ NA POLICE COLONEL SINIBAK

LAGUNA – Sinibak sa serbisyo ang isang police colonel nang magpositibo sa isinagawang random drug testing ng Police Regional Office Calabarzon noong Mayo 19, 2021. Ayon kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Eliseo DC Cruz, bagong lipat lamang sa PRO4-A si P/Lt. Col. Marlou Dumagat Besona nang magpositibo ito sa ilegal na droga. Agad nagsagawa ng administrative proceedings kay Besona at napatunayang guilty sa paggamit ng ilegal na droga na nagresulta sa hatol na ‘dismissal from the service.’ Hindi na naghain ng motion for reconsideration si Besona kaya epektibo…

Read More

GINANG NA SOLO SA BAHAY, PINATAY

QUEZON – Patay ang isang 52-anyos na ginang matapos na tadtarin ng saksak sa loob mismo ng kanyang bahay sa bulubunduking barangay sa bayan ng Padre Burgos, sa lalawigang ito. Noong Lunes ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay ang biktimang si Imelda Santos habang nakabulagta sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Yawe. Tadtad ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay. Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng suspek na posibleng nakilala ng biktima kaya pinatay ang…

Read More

SANGKOT SA DROGA NAMATAY SA SELDA

CAVITE – Isang preso ang namatay sa Custodial Center ng Bacoor City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Pedro Villatura, 66, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi nang nakaramdam ng hirap sa paghinga si Villatura dahilan upang isugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA) 191

Read More

17 DELTA VARIANT NATUKOY SA LAGUNA

LAGUNA – Umakyat na sa 17 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng Provincial Health office nitong Martes. Naitala ang nasabing bilang matapos lumabas ang resulta sa isinagawang genome sequencing makaraan ang halos tatlo hanggang apat na linggong paghihintay. Hindi na tinukoy kung saang lugar nagmula ang mga pasyenteng nagkasakit. Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, nakarekober na ang mga pasyente ngunit isasailalaim pa rin sa swab test para mahanap ang kanilang mga naging close contact. Samantala, minamadali na ang pagbabakuna sa…

Read More

Nagpaputok nang sitahin 2 VANDALS NA NPA NAPATAY NG PNP-PRO5 *1 pang CTG nabitag

NAPATAY ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nang paputukan ng mga rebelde ang mga awtoridad makaraang sitahin sa pagsusulat ng “DUTERTE IBAGS” sa pader sa Brgy. Lower Binogsacan, Guinobatan, Albay noong Lunes. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, bahagi ng pagsisikap ng PNP na matiyak ang kaligtasan na mga Bicolano sa pagsasagawa ng police and mobile visibility sa buong sulok ng rehiyon. Dahil naka-full alert ang buong PNP kaugnay sa huling State of the Nation Address ni…

Read More

P40-M PANANIM, INFRA SA BULACAN BINAHA

TINATAYANG nasa P40-milyon halaga ang inisyal na naitalang nasira sa mga pananim at palaisdaan kabilang ang pampublikong imprastraktura habang hindi bababa sa 2,000 residente mula sa 515 pamilya sa 12 bayan at siyudad sa lalawigan ng Bulacan ang inilikas matapos malubog sa baha dulot ng hanging habagat at bagyong Fabian na sinabayan pa ng high tide mula sa Manila Bay. Umabot hanggang 5ft. ang floodwater na nagpalubog sa mahigit 100 barangay dahil sa halos isang linggong pag-ulan, ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).…

Read More

Sa Basilan at Surigao del Norte 47 KATAO NASAGIP SA KARAGATAN

UMABOT sa 47 katao ang nasagip sa gitna ng karagatan sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Fabian at habagat sa magkahiwalay na rescue operation ng Philippine Navy sa Basilan at Philippine Coast Guard sa Surigao del Norte. Ayon kay Naval Task Group-Sulu at 4th Marine Brigade Commander, Colonel Hernanie Songano, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa kalagayan ng 18 katao na sakay ng “MB Bongarita” na sinalpok ng malalaking alon kaya agad silang nagpadala ng Navy vessel para magsagawa ng rescue mission. Ang bangkang “MB Bongarita” ay…

Read More

TOP 5 MOST WANTED SA DRUGS NABITAG NG PNP-ZAMBALES

“DRUGS is like a rat in a maze. It aims for a common hole, hoping for a quick relief but it’s actually a trap,” pahayag ni PNP-Zambales Provincial Director PCol. Romano V. Cardiño, sa pakikipagpulong sa mga kabataan hinggil sa drug addiction, matapos madakip ang notoryus na tulak na ilegal na droga sa kanilang lalawigan. Ayon kay Col. Cardiño, nitong nakalipas na linggo ay nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na kinilalang si Jecar Alonzo Barker, top 5 most wanted person dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous…

Read More

DRUG DEALER, 1 PA UTAS SA PNP-PRO5

PATAY ang tinaguriang notoryus na drug dealer at isang kasama nito sa ikinasang anti-narcotics operation ng magkatuwang na pwersa ng PNP-Police Regional Office 5 at Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 5 sa Labo, Camarines Norte Ang nasabing operasyon ay bilang pagtalima sa direktiba ng pamunuan ng PNP sa pamumuno ni P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kaugnay  sa ipinatutupad na “Internal Cleanliness Policy in the Community.” Kinilala ang napatay na mga suspek na si Reynaldo Esguerra, 44, may asawa, at residente ng Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte, at ang kasama nitong si…

Read More