MILYON-MILYONG PUSLIT NA YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

BULTO-BULTONG smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa magkahiwalay na pagsalakay sa lalawigan ng Basilan at Palawan, ayon sa ulat ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Sa ulat na ibinahagi ni Navy Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng Philippine Navy, nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Naval Task Force (NTF) 61 at Naval Special Operations Unit (NAVSOU) 6 ang libo-libong kahon ng puslit na sigarilyo na sakay ng M/L AL Ayessa sa Pilas Island, Basilan. Ayon kay Cdr. Negranza, unang nakatanggap ng “actionable intelligence info” ang Naval Intelligence…

Read More

Sa law enforcement ops ng PNP-PRO5 ‘GUN FOR HIRE’ LAGLAG SA OPLAN PAGLALANSAG

IPINAKITA ng PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, na lalong pinaigting ng buong hanay ng pulisya ang kampanya laban sa paglaganap ng hindi lisensyadong mga baril sa rehiyon, nang madakip ang lider ng Aliven gun for hire at gun running group sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ay isinakatuparan sa pamamagitan ng “Oplan Paglalansag Omega” at “Oplan Salikop” na nagbunga sa pagkakahuli sa 50-anyos na si Alexander Lladones Aliven, lider ng Aliven gun for hire, naninirahan sa Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon. Ayon sa ulat…

Read More

BAGONG DIVERSION ROAD SA PANGASINAN ININSPEKSYON NG DPWH

MALAPIT nang magamit ng mga motorista na nagpupunta sa iba’t ibang bahagi ng eastern Pangasinan, Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ang bagong gawang 5-kilometrong diversion road na bumabaybay sa Rosales, Pangasinan. Nitong Biyernes, July 30, 2021 ay ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang proyekto na tinawag na Carmen East-West Diversion Road sa kabila ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX). Sinamahan si Sec. Villar sa ocular inspection nina Senior Undersecretary Rafael C. Yabut at Assistant Secretary Wilfredo S. Mallari ng DPWH Luzon Operations, DPWH Region 1…

Read More

6 CTG MEMBERS SUMUKO SA PNP-ZAMBALES

“IT is not the winning of many battles but on how to subdue your enemies without having to fight with them that matters most,” ito ang pahayag ni Zambales Provincial Director, Col. Romano V. Cardiño matapos na kusang loob na sumuko noong Miyerkoles ang isang mag-asawa at apat pang kasapi ng communist terrorist group. “To concede for a greater cause is an act of bravery,” pahayag pa ni Col. Cardiño sa pagsuko ng mag-asawang kapwa kasapi ng CTG na kinilalang sina Rico Calaje Naval alyas “James,” magsasaka, isang indigenous people…

Read More

DELTA VARIANT SA LAGUNA NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ang kaso ng COVID-19 Delta Variant sa lalawigan ng Laguna. Sa ulat, 18 katao na ang tinamaan ng naturang variant base sa resulta ng swab test na inabot ng tatlo hanggang apat na linggong paghihintay. Nakarekober naman ang mga pasyenteng tinamaan nito. Kaya’t pinag-iingat ang lahat ng mga bakunado man o hindi pa dahil sa bagsik na dulot ng Delta Variant. Paalala ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna na umiwas sa matataong lugar at panatiliin ang paggamit ng face mask, sumunod sa social distancing at laging maghugas ng kamay.…

Read More

2 MOTORSIKLO NAGSALPUKAN 1 PATAY, 1 KRITIKAL

CAVITE – Patay ang isang rider habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isa pang biktima makaraang magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo dahil sa pag-overtake ng huli sa bayan ng Naic noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang namatay na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na short na idineklarang dead on arrival sa San Lorenzo Hospital, habang isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo General Hospital ang isa pang rider na si Jeffrey Ciro, 26, ng Poblacion II, Ternate, Cavite na nasa kritikal na kalagayan. Ayon sa…

Read More

8 NABITAG SA P.5-M DROGA SA PAMPANGA

WALO katao ang nadakip habang tinatayang P530,000 ang kabuuang street value ng nakumpiskang hinihinalang marijuana at shabu sa magkasunod na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III at Criminal Investigation and Detention Group sa lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang sinalakay ang isang hinihinalang drug den sa Claveria Street sa Barangay Santa Trinidad kung saan nakuha ang iba’t ibang drug paraphernalia at mahigit sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na P170,000…

Read More

NAPATAY NA 2 AKTIBISTA SA ALBAY, IPINASISIYASAT

IPINASISIYASAT ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang hinggil sa pamamaril ng dalawang pulis na ikinamatay ng dalawang aktibista na nag-spray paint sa pader ng kanilang protest slogan sa Albay. Ayon sa ulat, kinilala ng grupong Defend Bicol ang mga biktimang sina Jemar Palero, 22, at Marlon Naperi, 38, na nakasagupa umano ng mga elemento ng Albay Police sa Barangay Lower Bonigsacan sa Guinobatan, noong Lunes ng umaga. Ayon sa police report, armado umano ang mga aktibista at pinaputukan ang mga pulis naging dahilan upang…

Read More

DRUG SUSPECT NALAMBAT NG PNP-ZAMBALES

“WE are always ready for a fight that never ends,” ani PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos madakip ang isang drug personality sa ikinasang law enforcement operation sa Subic, Zambales. Ayon kay Col. Cardiño, itinuturing na provincial most wanted person ang nadakip na si Farida Oles Asara ng Brgy. Calapacuan, sa bayan ng Subic, sa nasabing lalawigan. Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Roline M. Gines-Jabalde ng RTC Branch 74, 3rd Judicial Region, Olongapo City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous…

Read More