I KILO NG SHABU HULI SA DRUG BUST

NEGROS ORIENTAL – Isang 33-anyos na drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkasamsam sa ilegal na droga na tinatayang may street value na aabot sa P6,929,200.00 sa Purok 5, Barangay Jilocon, sa bayan ng San Jose sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa PNP-PDEG, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) at nadakip ang isang alias “Basim”, 33-taong gulang, ng Barangay Sta. Agueda, Pamplona, Negros…

Read More

Sa mga lugar na apektado ni ‘Wilma’ OPERASYON NG SHIPPING, FISHING COMPANIES BALIK NORMAL – PCG

BALIK normal na ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing companies sa mga baybayin at lugar na apektado ng Bagyong Wilma. Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12 ng tanghali nitong Disyembre 8 ay wala nang stranded na naitala o naiulat sa mga pantalan sa bansa. Nangangahulugan na lahat ng mga pasahero na stranded pa dakong umaga nitong Lunes, ay pinayagan nang makabiyahe. Kasama rito ang rolling cargoes, vessels at motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa. Ayon sa naunang ulat,…

Read More

KOTSE NASALPOK NG BUS, 2 SAKAY SUGATAN

TAYABAS CITY – Dalawang lalaki ang sugatan nang masalpok ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang kotse sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang sa lungsod nitong Lunes ng madaling araw. Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City Police Station, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang tumatawid sa national highway ang Mazda 3 na minamaneho ng biktimang si “Devin”, 27, residente ng Camella Homes, Isabang, kasama ang pasaherong si Dominic, 28, mula Makati City. Paglabas umano ng sasakyan sa barangay road mula sa isang subdivision ay nasapol ito sa…

Read More

RIDER NA UMIWAS MAKASAGASA TUMILAPON, NAGULUNGAN NG KOTSE

CAVITE – Nasawi ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng isang sasakyan nang tumilapon mula sa kanyang motorsiklo matapos iwasan ang isang taong tumatawid sa kalsada sa Bacoor City noong Linggo ng madaling araw. Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si alyas “Lor”, 33, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa pinsala sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda ACB125 na may plakang 237-PAV at binabagtas ang Aguinaldo Highway, Brgy. Habay, Bacoor City bandang alas-3:50 ng madaling araw nang tumawid ang isang…

Read More

KOTSENG MAY PAYONG NG DISCAYAS, ISA PA WALANG GUSTONG BUMILI

BIGO pa ring maibenta sa subasta ang dalawang luxury vehicles na pag-aari ng mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya kahit pa ibinaba na ang floor price ng high-end units. Sa isinagawang re-auction nitong Biyernes ng Bureau of Customs, walang bidder na naghain ng alok kaya nabigo na naman ang Aduana na gawing pera ang dalawang sasakyan ng mag-asawang Discaya. Ang hindi nabentang mga sasakyan ay ang kontrobersyal na Rolls-Royce Cullinan na may signature built-in umbrella at ang 2022 Bentley Bentayga na kabilang sa nakumpiskang luxury vehicles dahil…

Read More

BULACAN LIBRARIES TUMANGGAP NG 2,909 BOOKS MULA SA SM BOOK NOOK

NAGBIBIGAY ng inspirasyon ang SM City Marilao, SM City Baliwag, at SM Center Pulilan sa mas maliwanag, mas empowered na kinabukasan sa mga komunidad sa Bulacan matapos na ang malls ay nag-turn over ng 2,909 preloved na mga libro sa mga partner na institusyon sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang Book Donation Drive. Sinabi ni Public Relations Officer Veronica Cunan ng SM Baliwag noong Huwebes, ang Book Donation Drive na nagsimula noong Hulyo 2025, ay nasa ilalim ng flagship literacy program ng SM Supermalls, ang SM Book Nook. Hinihikayat ng…

Read More

P45.77-M DROGA NASAMSAM NG PDEA

INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakasamsam sa P45.77 milyong halaga ng ilegal na droga sa loob ng isinagawang isang linggong operasyon sa buong bansa simula Nobyembre 21. Nagresulta rin ito ng pagkakaaresto sa 73 drug suspects. Kabilang sa mahahalagang anti-narcotics operation ang pagkakakumpiska sa 115 gramo ng umano’y shabu at pag-aresto sa apat na suspek sa Iloilo City; pagkasabat sa 1,395.65 gramo at 1,079.19 gramo ng shabu sa Tacloban, Leyte; buy-bust operations sa Davao provinces na nakakuha ng 169,575 gramo at 500 gramo ng shabu; interception ng…

Read More

2 MENOR DE EDAD NALUNOD SA CAVITE

CAVITE – Dalawang menor de edad ang iniulat na nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas City at Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Kervin”, 12, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, at “Prinxe”, 16, ng Naic, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon noong Miyerkoles, habang naliligo sa ilog sa Sitio Silangan, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, ay nakita ng kanyang kasama si Kervin na lumulubog. Tinangka umano nitong sagipin ang biktima ngunit tuluyan itong lumubog. Samantala, naligo ang biktimang si Prince kasama…

Read More

TREASURER’S OFFICE NG NAIC MUNICIPAL HALL, NILOOBAN

CAVITE – Nilooban ng hindi pa nakilalang magnanakaw ang Treasurer’s Office ng munisipyo ng bayan ng Naic sa lalawigan. Nag-iimbentaryo pa kung magkano ang halaga ng cash na tinangay ng suspek na pumasok sa Treasurer’s Office ng Naic Municipal Hall sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, noong Lunes, Disyembre 1, bandang alas-8:30 ng umaga nang matuklasan ang panloloob sa nasabing tanggapan, gayunman, alas-12:42 ng hapon noong Miyerkoles nang i-report ito sa pulisya. Nabatid sa imbestigasyon, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagsira…

Read More