DINISPATSA ng defending champion San Juan ang Binangonan, 86-74, habang pinataob ng Palayan City ang Parañaque, 74-72, sa pares ng sudden death matches upang plantsahin ang titular showdown sa Community Basketball Association Pilipinas Executive Cup sa San Andres Sports Complex sa Malate. Sumakay ang San Juan sa mainit na mga kamay nina Arvin Gamboa at Justine Serrano upang biguin ang Binangonan na makatuntong sa finals sa ikalawang sunod na season sa community-based league na inorganisa ni CBA president Carlo Maceda. Tumapos si Gamboa na mayroong 18 puntos o 9-of-12 sa…
Read MoreCategory: SPORTS
EquestrianPH tuloy ang laban
IPAGPAPATULOY ng Equestrian Philippines ang kanilang pagpapaunlad sa sport kahit pa may isa pang national sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay hindi tumitigil ang EquestrianPH sa pagsasanay sa mga riders nila sa katauhan nina international champions Toni Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. Sinabi ni EquestrianPH president Carissa Coscolluela, maraming kabataan ang mahuhusay na riders na kayang katawanin ang bansa sa hinaharap bagamat nangingibabaw ang politika na siyang sumisira sa nasabing sport. “We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives…
Read MoreALAB IBABANGON NI BROWNLEE vs SAIGON
NATAPOS na rin ang halos dalawang linggong paghihintay ng San Miguel Alab Pilipinas kay Justin Brownlee, nang dumating ito kahapon ng umaga mula sa Estados Unidos. Ang Brgy. Ginebra resident import ay agad sumalang sa praktis ng koponan sa Kerry Sports Gym sa BGC, ayon kay head coach Jimmy Alapag. Lilipad si Brownlee at ang buong koponan patungong Vietnam para harapin ang Saigon Heat sa Linggo (Marso 1) sa pagpapatuloy ng aksiyon ng Asean Basketball League Season 10, kung saan ang Alab ay nasa ikalawang pwesto (10-6 win-loss record). Pinawi…
Read MoreNAVY GUMAWA NG KASAYSAYAN SA BIKATHON
ANTIPOLO CITY– Nagtala ang Philippine Navy-Standard Insurance ng panibagong kasaysayan sa larangan ng bikathon sa bansa matapos na anim na miyembro nito ang sabay-sabay na nakatawid sa finish line Huwebes ng hapon sa ika-10 taong selebrasyon ng 2020 LBC Ronda Pilipinas na nagsimula sa Lucena City at nagtapos sa harap ng Ynares Sports Complex. Magkakasabay na nagsumite ng 3:12:50 oras sina John Mark Camingao, Ronald Oranza, Junrey Navarra, El Joshua Carino, Ronald Lomotos at George Oconer sa Stage 5 at halos winalis ang lahat ng kategorya sa ginaganap na taunang…
Read More2020 MPBL LAKAN CUP: BICOL DINISPATSA NG DAVAO
KAHIT may nararamdamang sakit, pinilit ni Mark Yee na lumaro at tulungan ang Davao Occidental Tigers sa 64-56 overtime win laban sa Bicol Volcanoes at isaayos ang semifinals tussle kontra Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City, Miyerkoles ng gabi. May iniindang sakit mula sa partial right ACL tear, idiniliber ni Yee ang hook shot para pangunahan ang Tigers sa eight-point run sa ekstrang limang minuto, kung saan binokya ang Volcanoes para tapusin ang quarterfinals, 2-1. Sa kabilang banda,…
Read MorePOY ERRAM MASAMA ANG LOOB
Ayaw sa trade… HINDI itinago ni Poy Erram ang saloobin hinggil sa epekto sa kanyang nakabinbing ‘trade deal’ ng NLEX. Ayon kay Erram, hangga’t maaari ay ayaw niyang makaapekto sa kanya ang usapin. “If ever na mangyayari, siyempre malungkot. Masaya ako sa NLEX e, masaya ako sa teammates ko, sa management, pero part ng trabaho ‘yun (trade),” pahayag ni Erram. “Siguro in terms of system, ‘yun ang mahirap sa sitwasyon ko. Siyempre, ‘yung katawan ko, system pa rin ng NLEX, kasi nasa NLEX pa ako. Tapos may few days na…
Read MoreOBIENA ON-TRACK SA TOKYO OLYMPICS
MAY coronavirus o wala, tuloy ang paghahanda ni Filipino pole vaulter EJ Obiena para sa July 24-August 9 Tokyo Olympics. Tiniyak ng Philippine Track and Field Association na hindi tumitigil si Obiena sa kanyang training para na rin sa iba pang sasabakang kompetisyon sa Europe at Chula Vista, California. Sa ngayon ay puspusan ang pag-eensayo ng kauna-unahang Pinoy 2020 Olympic qualifier sa ilalim ng kanyang coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine. Kabilang sa mga minentor ni Petrov si Olympic champion at six-time world champion Sergey Bubka, two-time Olympic gold…
Read MoreMPBL LAKAN SOUTH SEMIFINALS BASILAN LABAN SA BACOOR
NAKABAWI si Allyn Bulanadi sa bandang dulo, sapat para akayin ang Basilan Steel sa 70-63 win laban sa Iloilo United Royals at isaayos ang semifinals clash laban sa Bacoor sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division sa larong ginanap sa Lamitan City Gymnasium sa Basilan. Muli namang tinalo ng Bacoor Strikers ang General Santos Warriors, 69-60. Hirap makasabay sa simula, umiskor si Bulanadi ng lima sa homestretch para walisin ng Steel ang United Royals, 2-0 sa kanilang quarterfinal series. Nagmintis muna si Bulanadi sa kanyang unang 10 field goal attempts, bago…
Read More2020 RONDA PILIPINAS: AQUINO STAGE 3 AT OVERALL LEADER NA
NAGA CITY—Doble-panalo si Jerry Aquino Jr matapos nitong pagbidahan ang 119km Stage 3 at makuha ang overall leadership sa pagpapatuloy ng ika-10 taong selebrasyon ng 2020 LBC Ronda Pilipinas kahapon na nagsimula sa Albay at natapos sa Camarines Sur. Pinangunahan ng second generation rider na si Aquino Jr. ang 68 na riders na nakatawid sa finish line sa oras na 2:47:12 tiyempo para sa unang pagkakataon ay maisuot nito ang simbolikong red jersey at maging lap winner din. Pare-parehas ang isinumiteng oras ng Top 10 na sina Ronnel Hualda ng…
Read More