SIMULA na ngayon ng Asian-Oceanian Olympic Qualifying meet sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan kung saan 221 male at female boxers mula sa 35 mga bansa ang maglalaban-laban. Pito lamang ang pambato ng Pilipinas, apat na lalaki sa pangunguna ni World middleweight silver medalist Eumir Felix Marcial, at tatlong babae kabilang si World featherweight gold medalist Nesthy Petecio. Kapwa seeded number 1 sina Petecio at Marcial sa kanilang mga kategorya. Ang iba pang hopefuls ay sina flyweight Carlo Paalam (52kg.), featherweight Ian Clark Bautista (57 kg.), light welterweight James…
Read MoreCategory: SPORTS
UAAP SEASON 82 BOYS FINALS: FEU KONTRA NU
MAKALIPAS ang tatlong taon, muling nakapasok sa finals ang Far Eastern University-Diliman para harapin sa best-of-three series ang undefeated National University Bullpups simula sa Biyernes, Marso 6. Ang Baby Tamaraws, twice-to-beat sa semis ay hindi man lang kinakitaan ng kalawang sa kabila ng 23 araw na pahinga, nang patalsikin ang fourth seed Adamson University, 78-65 sa UAAP Season 82 Boys’ Basketball Tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Nalimitahan ng FEU si Adamson’s Season MVP Jake Figueroa sa 11 points (1-of-6 shooting), habang ang isa pang shooter…
Read MoreSAN JUAN, MANILA PURO NA SA MPBL NORTH FINALS
SUMANDAL ang San Juan Knights kay Mike Ayonayon, habang ang Manila ay umakbay kay Carlo Lastimosa para itumba ang kani-kanilang kalaban at dumikit sa North division finals ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season, Biyernes ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Binalewala ang mahigpit na depensa ni Travis Thompson, si Ayonayon ay pinasok ang charity lane, umikot at nagpakawala ng off-balanced floater, tumalbog pa ang bola bago tuluyang nalaglag sa basket kasabay ng buzzer, tungo sa 86-84 win ng Knights kontra Pampanga Giant Lanters. Nagpakawala naman si Lastimosa…
Read More3X3 BASKETBALL OQT: GILAS 4-MAN LINEUP TODO -KAYOD SA ENSAYO
NASA matinding pagsasanay ngayon ang official 4-man lineup ng Pilipinas sa 2020 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Bengaluru, India sa Marso 18-22, 2020. Kinabibilangan ang grupo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at Jaymar Perez. Ang magandang samahan ng mga manlalaro ang inaasahang magdadala sa top two 3×3 kina ranked players Munzon at Pasaol, kasama sina SEAG 3×3 gold medalists Tautuaa at Perez. Nasisilip na ng SBP Selection Committee, sa pamumuno ni SBP Executive Director Sonny Barrios at mga miyembro na sina SBP Coaches Academy Head Jong Uichico, coaches…
Read MoreNAGPAKITA NA SA KATROPA PERO… POY ERRAM ‘DI NAGLARO
DUMATING si Poy Erram sa TNT game kontra Ateneo kahapon sa Moro Lorenzo Sports Center subalit bilang observer lang. Unang araw na nagreport sa KaTropa ang 6-foot-9 na player makaraan ang masalimuot na trade deal na kinabibilangan din ng NLEX at Blackwater. Matatandaan na kinuha ng TNT si Erram sa PBA draft noong 2013 subalit hindi siya pinapirma ng kontrata. Huling lumaro si Erram sa NLEX bago na-trade sa KaTropa, na pinakawalan sina Yousef Taha, Marion Magat at Ed Dquioag para sa una. Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach at…
Read MoreMORALES UMATAKE SA STAGE 6
TARLAC CITY – Ginamit ng 2016 at 2017 champion na si John Paul Morales ang husay sa sprint upang itala ang unang lap victory sa 111km na Stage 6 ng ginaganap na ika-10 selebrasyon ng LBC Ronda Pilipinas 2020 na nagsimula sa Tarlac Capitol at nagtapos muli sa Tarlac Recreational Park. Nalusutan ni Navy team captain Morales ang mahigit sa 50 nakasabay upang makuha ng Standard Insurance-Navy ang ikatlong sunod na Stage victory simula sa kanilang pagwawagi sa Stage 4 Daet to Lucena at Stage 5 na Lucena to Antipolo.…
Read MoreSPORTS CHAT NI DENNIS PRINCIPE BOXING GOLD TANAW NA SA TOKYO OLYMPICS
Ang 2020 Olympic Games ang pinakamalaking tsansa ng sport na boxing na magbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang Olympic gold medal. Ngayong Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan, sibak na ang Association Internationale de Boxe Amateur o AIBA bilang punong abala sa sport na boxing. Ito ang naging desisyon ng International Olympic Committee (IOC) dahil sa matinding pressure at reklamo ng boxing community maging ang mga fans ng sport sa sinasabing garapal na dayaan noong nakaraang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro sa Brazil. Ang IOC na ang siyang magpapatakbo…
Read MorePOC MAY EXTRA BUDGET SA OLYMPIC QUALIFIERS
NAGLAAN ang Philippine Olympic Committee (POC) ng emergency funds para sa posibleng pagbabago sa mga venue ng qualifying events sanhi ng coronavirus disease. Sinabi ni POC deputy secretary general at Ormoc mayor Richard Gomez, may plane tickets na ang mga atletang sasali sa qualifiers sa ibang bansa, pero dahil sa nasabing virus outbreak, may mga adjustment sa venue na paggaganapan ng qualifiers. “The Philippine Olympic Committee is also preparing extra funds together with the PSC (Philippine Sports Commission). Meron tayong naka-allot na funds sa ibang country. ‘Yung iba kasi may…
Read More10TH RONDA PILIPINAS: OCONER KAKAPIT SA LIDERATO
TARLAC CITY —Marami ang nagduda kung kayang magkampeon sa Ronda Pilipinas ng dating miyembro ng pambansang koponan at batang continental team na Go-for-Gold na si George Oconer. Kabilang ngayon si Oconer sa Standard Insurance-Navy team, na asam mapanatili ang pagkapit sa individual, overall at team classification sa pagbabalik ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race ganap na alas-9 ngayong umaga para sa 111.9km Stage 6 na magsisimula sa kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreation Center. Mula sa ikalawang puwesto ay umakyat si Oconer sa unahan ng general classification sa…
Read More