HIDILYN DIAZ HIHIRIT PA NG 1, MATAPOS KUMOLEKTA NG 3 GINTO SA ITALY

ISA pang kompetisyon ang lalahukan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz upang tuluyan na siyang makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics. Hindi lang para kay Diaz, kundi maging kay John Fabuar Ceniza, na humablot ng bronze medal noong Martes sa Italy sa men’s 61-kg mula sa 152 kgs sa clean and jerk at 117 kgs sa snatch para sa kabuuang 269 kgs. Ayon kay Samahang Weightylifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, anim na kompetisyon ang dapat salangan ng bawat lifter bago tuluyang makapasok sa Tokyo Games. “One more…

Read More

MARK DICKEL, BAGONG GILAS COACH

PINANGALANAN na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa first window ng Fiba Asia Cup qualifiers at siya ay walang iba kundi si TNT Katropa consultant Mark Dickel. “In his short stint in the Philippines,  Coach Mark has performed creditably well,” sabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa isang press release. Nauna nang isinawalat sa Fiba website na si Dickel ang mamumuno sa coaching staff Gilas, kasama sina Sandy Arespacochaga at Nenad Trunic. Pangungunahan ng Australian-Kiwi coach ang 24-man…

Read More

ASIA-OCEANIA OLYMPIC QUALIFIERS, WALA PANG VENUE

BOXING-1

IKINASA ng IOC Boxing Task Force ang panibagong petsa para sa Asia-Oceania Olympic qualifiers sa Marso 3-11. Pero hindi pa rin nadesisyunan kung saan ito gaganapin. Kinansela na ang naturang event sa Wuhan, China, na dapat sana’y gagawin sa Pebrero 3-14,  sanhi ng coronavirus outbreak. Dahil sa kanselasyon ng event sa Wuhan, ang Africa qualifiers na nakatakda sa Pebrero20-29 sa Dakar, Senegal na ang magiging una sa kalendaryo para sa 2020 Tokyo Olympic qualifying event. Ang Pilipinas ay nagpaabot na ng interes para tumayong host sa Asia-Oceania, kung saan tatlong…

Read More

PAGLALARO NI CRUZ SA GUAM, BAWAL

IPINAGBABAWAL ng Philippine Basketball Association (PBA) na ang isang player ng kasapi nitong team ay maglaro sa ibang koponan habang nakontrata pa ito, gaya sa kaso ni Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors. Si Cruz ay kinuha para sa 24-man pool ng national team ng Guam para sa Fiba Asia qualifiers sa susunod na buwan. “Bawal talaga yan sa liga. Pero kung papayagan naman ng kanyang koponan, papayagan natin,” ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial. “Kailangan lang natin na may sulat mula sa mother team na pinapayagan nila ang player…

Read More

TAKBO SA KALIKASAN 2020: FIRE RUN PARA SA LGBTQ

TAKBO PARA SA KALIKASAN

UPANG maipagpatuloy ang adbokasiya ng mga pribadong sektor na mapanatiling malinis ang kapaligiran, aarangkada ang mga mananakbong may malasakit sa kalikasan sa Takbo sa Kalikasan 2020 na sisimulan sa Mayo 31. Mayroong iba’t ibang yugto ang Takbo sa Kalikasan na magsisimula sa Fire Run, bilang pagsuporta sa LGBTQ sa Pebrero 16 sa CCP Complex, Pasay City. Ayon sa isa sa mga opisyales ng event na si Jenny Lumba sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ 52nd edition, ang unang yugto ay paraan ng pasasalamat ng…

Read More

HULING HIRIT PARA KAY TAULAVA, ARANA

Asi Taulava-Ryan Arana

MAAARING ito na ang huling taon ng paglalaro sa PBA nina Asi Taulava at Ryan Arana. Nauna nang tiniyak ni NLEX coach Yeng Guiao na pinag-uusapan na nila ang bagong kontrata ni Taulava sa Road Warriors. “Most likely, he will return,” ani Guiao. “We are still determining, are we going to give him a conference, a half-year contract, or a full-year contract. ‘Yun din ang ine-evaluate namin.” Inamin ni Guiao na nasa transition period ngayon ang koponan na kinabibilangan ng big guys na sina si Poy Erram, JR Quinahan, Raul…

Read More

LA SALLE PINADAPA NG FEU

UAAP 82-a

INAKAY ni Pocholo Bugas ang Far Eastern University-Diliman sa 2-0 panalo laban sa De La Salle-Zobel sa UAAP Season 82 high school boys’ football tournament, Miyerkoles ng hapon sa Rizal Memorial Stadium. Naiwan ang U-23 national campaigner na walang bantay sa may penalty area sa 67th minute para tapusin ang tsansa ng La Salle na makaiskor pa. Ang strike ni Bugas ay kasunod ng goal ni Josel Abundio, apat na minute pa lamang sa laro. Pinangunahan ni Rafael Aldeguer ang opensa ng La Salle, subalit bigong makaiskor ang Junior Archers.…

Read More

MARINERONG PILIPINO WALANG ATRASAN!

MARINERONG PILIPINO

WALA nang ibang pupuntahan pa kung hindi ang kampeonato. Ito ang target ng Marinerong Pilipino sa 2020 PBA D-League sa susunod na buwan. Kargado ng kanilang runner-up finish sa Foundation Cup noong nakaraang Oktubre, misyon ng Marinerong Pilipino na mapasakamay na ang mailap na titulo sa pag-arangkada ng Aspirant’s Cup sa Pebrero 13. Taglay sa ngayon ng Skippers ang ekspiriyensa,  ang angking tikas at talento upang makuha na ang pinapangarap na kampeonato ngayong taon. Ayon kay Marinerong Pilipino assistant coach Jonathan Banal mas handa sila ngayon kaysa noong nakaraang taon.…

Read More

ANCAJAS, TULOY ANG ENSAYO KAHIT KANSELADO ANG LABAN

Jerwin Ancajas-3

TULOY pa rin ang ensayo ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa kabila nang kanselasyon ng kanyang laban. Dapat sana’y makakalaban ni Ancajas para sa ikasiyam niyang title defense si Mexican Jonathan Javier Rodriguez sa Pebrero 23 (Manila time). Pero dahil nasanay na si Ancajas sa paulit-ulit na kanselasyon ng kanyang laban, ipagpapatuloy lang niya ang pag-eensayo. Katunayan mula sa Magallanes, Cavite ay lumipat ang IBF champion ng kanyang training camp sa Barangay Olingan, Dipolog City, sa isang compound na pag-aari ni Engr. Gilbert S. Cruz, pangulo at chief…

Read More