HINDI man sinuwerte na mapasama sa Gilas Pilipinas pool para sa Fiba Asia Cup qualifiers, pasok naman sa Guam’s 24-man team pool si NLEX guard Jericho Cruz. Kaya naman labis ang pasasalamat ng Road Warriors player sa magandang oportunidad na dumating sa kanya. “One of my dreams talaga is to play for the Philippines, but luck isn’t on my side here,” wika niya. Nagulat na lang siya nang makatanggap ng tawag na nagsasabing kasama siya sa 24-man national team ng Guam para sa Asia Cup qualifiers. “Of course, it’s a…
Read MoreCategory: SPORTS
LADY CHIEFS 3-0 NA!
PINATAOB ng defending three-time champion Arellano University ang Jose Rizal University, 25-19, 25-16, 25-17 para manatiling walang talo sa tatlong laro sa 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. May 12 points at 15 digs si Regine Arocha, 10 points naman mula kay Carla Donato at may eight points, kasama ang tatlong service aces si Princess Bello para sa Lady Chiefs. Kumamada ang Arellano ng 36 attacks, na bigong masalag ng Lady Bombers. “Kung kaya ninyong pigilin sa ibabaw, gawin natin,” lahad ni…
Read MoreMIKA REYES, TUMALON SA STA LUCIA
TIYAK na mas palabang Sta. Lucia Lady Realtors ang mapapanood sa 2020 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix matapos nilang kunin ang serbisyo ng middle blocker na si Mika Reyes. Ang 25-anyos na si Reyes ay five-time PSL champion at isa sa key players ng Petron Blaze Spikers. Inaasahang malaki ang maitutulong ng pagdating niya sa Sta Lucia, na hindi pa nananalo nang sumali sa liga noong 2017. Hanggang eighth-place finish lang ang naabot ng Lady Realtors sa import-flavored conference na magsisimula sa susunod na buwan. Isang malaking challenge naman para…
Read MoreABAP SUPORTADO NG POC
2020 Olympic qualifiers pinalilipat KASABAY ng pulong na isasagawa ng International Olympic Committee (IOC) hinggil sa isyu ng bagong coronavirus sa China, sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang suhestyon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na ilipat sa Pilipinas ang torneong nakatakdang gawin sa Wuhan, China. Ang nabanggit na siyudad sa China ay host ng Tokyo 2020 Olympic boxing qualifers para sa Asia at Oceania sa Pebrero 3-14. Kinumpirma ng China’s National Health Commission kahapon ang 291 kaso ng pneumonia-like virus. Sa Wuhan nagsimula ang virus…
Read MoreCERES KUMAKATOK SA AFC CHAMPIONSHIP
MULING ipinamalas ni Stephan Schrock ang pagiging beterano matapos ang game-winning kick at akayin ang Ceres Negos FC sa 1-0 win kontra Port FC, Martes ng gabi sa PAT Stadium sa Bangkok, Thailand. Isang panalo pa at maibubulsa na ng Ceres ang AFC Champions League spot. Umiskor si Schrock sa 51st minute, mula sa likurang bahagi ng net matapos mabigo si Port FC goalkeeper Worawut Srisupa na maitaboy ang bola. Ang Busmen ay umabante sa third at final match ng preliminary stage laban sa FC Tokyo sa Enero 28 sa…
Read MoreWSC SEMIS, UMARANGKADA
Umarangkada na kagabi, Enero 22, ang semifinals ng 2019 World Slasher Cup (WSC) 9-Cock Invitational Derby 1 sa Smart Araneta Coliseum. Nasa 99 entries ang nakatakdang magbakbakan para sa 3-cock semifinals simula ala-una ng hapon kahapon matapos makaalagwa sa 2-cock eliminations noong Enero 20 at 21. Ilan sa mga top fighters na magsasagupa para sa semi-finals ay ang dating World Slasher Cup champions na sima Nene Araneta, Patrick Antonio at Frank Berin, na parehong nakapagtala ng tig 2-0 records sa elimination round. Idedepensa ni Nene Araneta ang kanyang titulo sa…
Read MoreBIGGEST PH DELAGATES IPAPARADA SA 2020 TOKYO OLYMPICS
KUNG makalulusot sa kani-kanilang qualifying event ang mahigit 50 Filipino athletes, inaasahang pinakamalaking bilang ng delegado ang maipadadala ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics. Ito ang napagusapan kahapon sa ginanap na Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee Tokyo Olympics meeting kung saan dumalo ang mga kinatawan ng 15 national sports association. “We are looking at the biggest delegation in the Olympics since 1967,” nagkakaisang sabi nina PSC Chairman William “Butch” Ramirez, Tokyo Olympics Team Pilipinas chef de mission Mariano “Nonong” Araneta, at POC Secretary General Ed Gastanes na nirepresenta…
Read MoreKAI SOTTO, MVP SA TSF INVITATIONAL
PINATUNAYAN ni Kai Sotto na may “K” o karapatan siyang pag-agawan ng iba’t ibang international basketball teams nang pangunahan ang The Skills Factory (TSF) National sa King Invitational sa Atlanta noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas). Inakay ni Sotto ang TSF National sa 112-102 panalo kontra Believe Prep ng South Carolina sa title match ng The Skills Factory King Invitational. Umiskor ang 7-foot-2 na si Sotto ng 27 points, 10 rebounds, 6 blocks at 4 assists sa loob lang ng 25 minuto para sa three-game sweep ng TSF. Dahil dito ay…
Read MoreTITULO DEDEPENSAHAN NI TADURAN SA MEXICO
NAKATAKDANG umalis ngayong weekend patungong Mexico si International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight champion Pedro Taduran para sa first title defense niya sa susunod na buwan. Makakalaban ng 23-anyos na si Taduran si challenger Daniel Valladares sa isang 12-round bout sa Guadalupe, Nuevo Leon sa Pebrero 1. Si Taduran, may 14-2 win-loss record na may 11 KOs ay nakatakdang umalis sa bansa sa Sabado kasama ang kanyang chief handler na si Art Monis at lead trainer at ex-world champion Tacy Macalos. Nagpahayag ng kumpiyansa si Monis na mananalo ang kanyang alaga…
Read More