P1M VALENTINES 10-BALL OPEN CHAMPIONSHIP

PACQUIAO-3

HINDI lang pamboksing at pang-basketball si Senador Manny Pacquiao kundi pang-billiards na rin siya. Katunayan ay pangungunahan niya ang P1 Million Valentines 10-ball Open Championship na gaganapin sa Bacolod City, Negros Occidental simula Pebrero 3 hanggang 14. Ang naturang torneo ay hatid ng Manny Pacquiao Promotions sa pamamahala nina tournament organizerMary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano. Ipatutupad ang double knockout format sa torneo na lalahukan nina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann…

Read More

FIBA WINDOWS BILANG “PINTO”

PASOK na ang Pilipinas maging ang Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup championship dahil sa pagiging host nga mga ito ng nasabing basketball event. Ang tatlong bansa ay nagsanib puwersa at nanalo sa isang bidding upang maging hosts ng quadrennial basketball conclave kung saan ang Pilipinas ang tatayong main host. Tiyak man sila sa World Cup, sasabak pa din ang mga ito sa sinasabing “Qualifying Windows” o ang Home and Away Games na kahit na mabokya sa panalo ang tatlong bansa, pasok pa din sila sa 2023 World…

Read More

CRUZ, LANETE SOLID NA BATANG PIER

Cruz-Lanete

MANANATILI sa NorthPort sina big man Jervy Cruz at shooting guard Garvo Lanete. Ito’y matapos na muli silang pumirma ng panibagong kontrata sa Batang Pier. Si Cruz ay lumagda sa fresh two-year pact, habang si Cruz ay one-year deal lang. Ang dalawa ay naging malaking bahagi sa magandang perfomance ng NorthPort sa 2019 PBA season kaya’t hindi nagdalawang-isip ang management na muli silang papirmahin ng kontrata. Nakapasok ang Batang Pier sa quarterfinals sa tatlong conference noong nakaraang season sa ilalim ni coach Pido Jarencio.  EBG 438

Read More

AU NAGPARAMDAM AGAD

Arellano University-2

UMISKOR ang reigning three-time champion Arellano University ng 27-25, 25-20, 25-20 win laban sa Lyceum of the Philippines University, sa pagsisimula ng Season 95 NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Mula sa 23-22 count pabor sa Lady Pirates, umatake ng hits si Regine Arocha para selyuhan ang first set win ng Lady Chiefs. Si Arocha ay may 18 kills, nine receptions at right digs upang pangunahan ang Arellano sa una nitong panalo. Huling taon na ni Arocha, na nangakong lahat ay gagawin para matulungan ang Arellano…

Read More

MOJDEH, GAGAWA NG RECORD SA SSS

Jasmine Micaela Mojdeh

MAGANDA ang salubong ng taong 2020 sa limang miyembro ng Swimming Pinas Swim Club, sa pangunguna ni national junior record holder Jasmine Micaela Mojdeh, matapos magpahayag ng suporta ang Philippine Swimming Inc. sa kanilang pagsabak sa Singapore Swimming Series sa Enero 17-19 sa world-class OCBC Aquatic Center sa Lion City. Makakasama sa Singapore ng 13-anyos na si Mojdeh sina Hugh Antonio Parto, isa ring junior record holder; Marcus De Kam; Jordan Ken Lobos; at Julia Ysabell Basa. Sila ay papatnubayan ni coach Virgilio De Luna, habang tatayo bilang team manager…

Read More

GILAS POOL BINATIKOS

GILAS PILIPINAS-2020

MAYROONG 11 PBA players ang kasama sa 24-man Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa first window ng qualifiers para sa 2021 FIBA Asia Cup. Sa pulong noong Biyernes sa pagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA), nagkasundo ang magkabilang panig na ang komposisyon ng pool ay bubuuin ng collegiate players, PBA stars at incoming (PBA) rookies. Mula sa mga ito ay pipili ng Final 12 na kakatawan sa Pilipinas sa pagsabak sa Indonesia at Thailand sa Pebrero. Kabilang sa PBA stars sina Japeth Aguilar,…

Read More

NCAA 95 WOMEN’S VOLLEYBALL: 4-PEAT ASAM NG AU

NCAA 95

BUBUKSAN ng Arellano University ang kanilang four-peat campaign sa pagsisimula ng NCAA Season 95 women’s volleyball competition sa FilOil Flying V Centre sa San Juan ngayon. Ang Lady Chiefs ay sasabak kontra Lyceum of the Philippines University sa alas-12:00 ng tanghali, matapos ang maikling opening ceremony sa alas-11:00 ng umaga. Maghaharap naman ang last season’s runner-up University of Perpetual Help System Dalta at College of St. Benilde sa alas-2:00 ng hapon. Si last year’s Finals MVP Regine Arocha, kasama si reigning MVP Necole Ebuen, setter Sarah Verutiao, Princess Bello, Carla…

Read More

FEU BINOKYA ANG UST

FEU-2

HINDI nagpatumpik-tumpik ang Far Eastern University nang dominahin ang University of Santo Tomas, 6-0 sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa ikasampung sunod na UAAP High School Boys Football championship kamakalawa sa Rizal Memorial Stadium. Sinimulan ni Edmar Adonis, humalili sa pwesto ni  Tarshish Garciano na nagtamo ng injury sa warm-ups, ang atake ng Baby Tamaraws. “Actually, it is not about the nine-peat or ten-peat. They just have to be humble and I want them to improve their quality of football,” wika ni head coach Park Bobae. Umiskor si Adonis…

Read More

PACQUIAO, PINAKAMATANDANG FIGHTER OF THE YEAR AWARDEE

PACQUIAO-2

TINANGHAL si eight-division world champion Manny Pacquiao bilang pinakamatandang boksingerong tatanggap ng Fighter of the Year award mula sa World Boxing News (WBN). Mabunga ang taong 2019 ng 41-anyos at current WBA welterweight super champion na si Pacquiao matapos nitong manalo laban kina Adrien Broner noong Enero at Kieth Thurman noong Hulyo ng nakaraang taon. Tumanggap si Pacquiao ng mas maraming boto na 86.14% mula sa 19620, kumpara sa 29-anyos na si Canelo Alvarez  na mayroon lamang 6% (1222). Habang nasa pangatlong puwesto si 26 years old Naoya Inoue, 3.5%…

Read More