CRUZ, LANETE SOLID NA BATANG PIER

Cruz-Lanete

MANANATILI sa NorthPort sina big man Jervy Cruz at shooting guard Garvo Lanete. Ito’y matapos na muli silang pumirma ng panibagong kontrata sa Batang Pier. Si Cruz ay lumagda sa fresh two-year pact, habang si Cruz ay one-year deal lang. Ang dalawa ay naging malaking bahagi sa magandang perfomance ng NorthPort sa 2019 PBA season kaya’t hindi nagdalawang-isip ang management na muli silang papirmahin ng kontrata. Nakapasok ang Batang Pier sa quarterfinals sa tatlong conference noong nakaraang season sa ilalim ni coach Pido Jarencio.  EBG 93

Read More