LADY FALCONS MAGKAKAMPO SA THAILAND

DESIDIDONG maging title contender sa darating na UAAP Season 83 women’s volleyball tournament ang Adamson University Lady Falcons kaya maraming pagbabagong gagawin ang team. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang nakatakda nilang training sa itinuturing na ‘region’s volleyball powerhouse country’ Thailand simula Enero 6 hanggang 17. Nabatid na 17 players ang kabilang sa training camp sa Thailand, kung saan sasamahan sila ng kanilang coach na si Lerma Giron at multi-awarded trainer-mentor na si Tai Bundit. Sa loob ng dalawang linggong training camp, makikipagsalpukan ang Lady Falcons sa serye ng…

Read More

PAGKILALA SA KICKBOXING SUPORTADO NI GO

(NI NOEL ABUEL) SUPORTADO ni Senador Christopher Bong Go ang resolusyon na nagtatakda ng pagkilala at nagbibigay-puri sa Philippine National team for kickboxing. Ito ay bunsod ng ipinamalas na galing ng mga bumubuo ng grupo sa nagdaang 30th South East Asian Games. Sinabi ni Go na lahat ng mga Pinoy athlete saan man sila lumaban ay nagpakita ng galing at husay sa SEA Games. Bilang advocate ng long term sports development at chair ng Senate Committee on Sports, sinabi ni Go na kampante itong ang galing ng mga Pinoy athlete…

Read More

3 LABAN SUSUUNGIN NI ANCAJAS SA 2020

(NI DENNIS IÑIGO) TATAPUSIN lang ang Pasko ni International Boxing Federation super flyweight champion  Jerwin Ancajas bago magsimula sa kanyang preparasyon para sa kanyang susunod na makakalaban sa 2020. Magiging abala si Ancajas, na matagumpay na naidepensa ang kanyang titulo sa Mexico, sa susunod na taon kung saan inaasahang sasabak siya sa tatlong laban. Sa ngayon, dahil Christmas holiday, nasa relax mode pa ang IBF champ at kanyang  chief trainer na si Joven Jimenez sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite. Nakatakda silang pumunta sa Bukidnon at iba pang parte ng…

Read More

WALANG PBA SA PASKO

(NI LOUIS AQUINO) SA ikalawang sunod na taon at sa mga susunod pa, makakapiling na ng mga manlalaro at team officials ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa araw ng Pasko. Ito’y matapos magdesisyon si league commissioner Willie Marcial tapusin na ang tradisyunal na PBA game tuwing Disyembre 25. Ayon kay Marcial, bagama’t malaking tulong sa PBA ang maraming manonood ng game kapag Pasko, espesyal at once-a-year na selebrasyon ang Pasko kaya’t marapat lang na ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga mahal…

Read More

OLYMPICS TARGET NG PHL DANCESPORT

MAKARAANG manalo ang bansa sa dancesport ng 10 sa 14 gold medals sa 30th Southeast Asian Games, pinupuntirya naman ngayon ng Dancesport Council of the Philippines (DCP) ang Olympics. Dahil kasama na sa kalendaryo ng Olympics ang breakdance, kumpiyansa si Becky Garcia, DCP president, makapagpapadala ang bansa ng maraming atleta sa 2024 Paris Olympics. “We have one foot inside the Olympics already,” aniya. Inamin ni Garcia na ang dalawang gintong medalya na-missed out ng Pilipinas sa katatapos na SEA Games ay mula sa breakdancing. Ngunit positibo siya na makakakuha ng…

Read More

PACQUIAO VS GARCIA NILULUTO NA?

(NI VT ROMANO) KASALUKUYAN nang nag-uusap ang kampo ni eight-division world champion at Philippine senator Manny Pacquiao at ni Mexican-American Mikey Garcia para sa kanilang sagupaan. Ayon ito kay Garcia, former 4-division champion at ramdam umano niyang malapit nang matupad ang laban. “We’ve been discussing a fight against Manny Pacquiao for a long time now, and it seems like it’s very close and it can actually happen,” lahad ni Garcia sa panayam ng Fighthype. Gayunpaman, binanggit ni Garcia na wala pa ring kasiguruhan hangga’t hindi pumipirma ng kontrata ang magkabilang…

Read More

‘FAIR PLAY ATHLETE’ AWARD KAY CASUGAY

(NI VT ROMANO) BAGO tuluyang isinara ang tabing ng 30th Southeast Asian Games, iginawad kay national surfer Roger Casugay ang ‘Fair Play Athlete’ award. Sa closing ceremonies sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac, si Casugay ay pinagkalooban ng pagkilala bunga ng kanyang ‘heroic sportsmanlike act’ habang ginaganap ang surfing event ng biennial meet sa La Union. Kasalukuyan pang bumabawi ang La Union mula sa epekto ng bagyong Tisoy noong nakaraang linggo habang isinasagawa ang longboard event, binalewala ni Casugay ang pangunguna sa karera nang magpasyang balikan ang…

Read More

BUBURA SA NATITIRANG SEAG RECORD; SANA ISANG PILIPINO RIN –DE VEGA

(NI ANN ENCARNACION) UMAASA ang maalamat na si Lydia De Vega-Mercado na tuluyang mabura na ang natitira niyang Southeast Asian Games record sa 100m dash. Ngunit gusto niyang isang Pinoy rin ang makagawa nito. “Gusto ko sana isang Filipino rin ang makabura sa huling SEA Games record ko,” anang dating regional sprint queen na si De Vega. Isang Fil-Canadian, si Zion Corrales-Nelson, ang bumura sa 200m dash record ni De Vega. Ngunit nitong Disyembre 7 ay tinabunan naman ng Fil-Am na si Kristina Knott ang record ni Corrales-Nelson. Maliban dito,…

Read More

HISTORIC PH BASKETBALL SWEEP

(NI EDDIE G. ALINEA/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGING makasaysayan para sa Pilipinas ang basketball sweep ng men’s at women’s team nito sa katatapos na 30th Southeast Asian Games. Lahat ng isinabak na team ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa men’s at women’s team sa 3×3 at 5×5 basketball ay pawang naguwi ng gintong medalya sa apat na events. Ngunit ang pinakamatinding rebelasyon ay ang all-amateur women’s squad, na matapos ang halos apat na dekada, at anim na silver at limang bronze medals, ay nanalo na rin ng ginto makaraang…

Read More