(NI KIKO CUETO) NAG-SORRY ang organizers ng 30th Southeast Asian Games sa mga football teams mula sa Myanmar, Timor-Leste, Cambodia at Thailand na nagreklamo dahil sa problema sa mali o late accommodation o late na sila nakuha mula sa paliparan Nagreklamo ang football teams ng Myanmar at Timor-Leste dahil sa matagal nilang paghihintay sa airport pagkatapos ay nadala pa sila sa maling hotel. Ang Thailand football team naman ay nagreklamo na hindi handa ang kanilang mga tutuluyang mga kwarto sa hotel. Malayo rin ito sa practice venue nila. “We sincerely…
Read MoreCategory: SPORTS
ANCAJAS MAGDIDIKTA NG LABAN
(NI EM RUBIN) HINDI magmamadali si IBF Super Flyweight World Champion Jerwin Ancajas sa kanyang pakikipagsagupa kay Miguel Gonzalez ng Chile sa Disyembre 7 sa Puebla, Mexico. “Pag-aaralan po muna niya sa early rounds po, katulad sa mga ginagawa niya lagi,” ayon sa trainer at manager ni Ancajas na si Joven Jimenez sa isang text message mula sa California. “Hindi po siya magmamadali pero siya agad ang magdidikta simula round 1,” paliwanag nito. Dagdag ni Jimenez, handa si ‘Pretty Boy’ na lumaban ng 12 rounds sa ikawalong pagdepensa niya ng…
Read MoreGILAS BABAWI SA BANGUNGOT NG WORLD CUP
PIPILITING bumangon ng Gilas Pilipinas mula sa nakahihiyang winless performance sa World Cup sa China noong Setyembre sa pamamagitan ng pagdedepensa sa kanilang gold medal sa darating ng 30th Southeast Asian Games. At upang maisakatuparan ito, muling isinama sa national team roster sina Kiefer Ravena at Christian Standhardinger, dalawa sa key players sa gold finish ng bansa sa men’s basketball sa 2017 Southeast Asian Games. Kabilang din sa bubuo sa Gilas Pilipinas na sasabak sa SEA Games ang mga kapwa 2019 FIBA World Cup veteran ni Ravena na sina Japeth…
Read MoreNO VAPE ZONE RIN SA SEA GAMES
(NI JESSE KABEL) PATI foreign athletes na lalabag huhulihin TINIYAK ng Philippine National Police na hindi exempted ang mga banyagang kalahok sa 30th Southeast Asian Games sa mahigpit na pagpapatupad ng “no smoking/vaping” sa lahat ng venue ng mga gaganaping kompetisyon. Nilinaw ni PNP OIC Lt Gen. Archie Francisco Gamboa na ang mga maaaresto sa gagawing nationwide crackdown sa paggamit ng electronic cigarettes o vapes sa mga pampublikong lugar ay hindi makukulong subalit dadalhin pa rin sa presinto at iba-blotter. Ang nasabing hakbang ay kasunod ng verbal order ni Pangulong…
Read MoreFREE INSURANCE COVERAGE SA PINOY ATHLETES ISINUSULONG
(NI ESTONG REYES) ISINUSULONG ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang isang panukalang batas na magbibigay ng libreng insurance coverage sa lahat ng professional Filipino athletes na nakikipagpaligsahan sa pandaigdigang torneo. Ito ay bilang bahagi na rin ng pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga sakripisyo nila para sa bayan. Ayon kay Lapid, dapat lamang bigyan ang ating mga atleta ng insurance protection, partikular yaong mga kumakatawan sa bansa sa international competitions. “Nais nating ibigay ang nararapat na suporta at parangal para sa ating mga atleta na dugo at pawis ang…
Read MoreKAYA NG PILIPINAS MAG-OVERALL CHAMPION SA SEA GAMES – TOLENTINO
Tiwala si Philippine Olympic Committee president, Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na kaya ng Team Pilipinas na maipanalo ang pangkalahatang kampeonato ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Sa isang panayam sa SAKSI noong Martes, tiniyak ni Tolentino na may kakayahan ang 1,150 nating mga atleta na makangsungkit ng 130 hanggang 180 gintong medalya upang muling tanghaling pangkalahatang kampeon ng tuwig ikalawang taong palaro matapos isumite ng POC ang listahan ng entries by name sa SEAG Federation. Sinabi ni Tolentino na ang…
Read MoreCHIARA MAY PERMENTILLA: VOLLEYBALL, TULAY SA MGA PANGARAP
(NI ZIA A. JINGCO) HINDI na bago sa mga magulang ang mangarap para sa kanilang mga anak. Sabi nga ng marami, walang magulang ang naghangad ng hindi maganda para sa kanilang mga anak. Alam ito ni Adamson Lady Falcons’ Chiara May T. Permentilla kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na sundin ang gusto ng kanyang ina–ang maging volleyball player at magtapos ng pag-aaral. Tubong Lipa City, Batangas, nasa second grade ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid nang magdesisyon ang kanyang pamilya na pansamantalang manirahan sa Tuscan capital of Florence, Italy. Nasa third…
Read MoreATENEO BACK-TO-BACK CHAMP
GUMAWA ng kasaysayan ang Ateneo Blue Eagles nang magkampeon na may perpektong kartada sa UAAP Season 82 men’s basketball finals sa Mall of Asia Arena kahapon. Winalis ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers nang talunin ito sa iskor na 86-79 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals series. May perpektong 16-0 ngayong season ang Ateneo, itinuturing na “most dominant campaign” sa buong collegiate basketball. Bumida para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena na umiskor ng 17 puntos, kabilang ang walo sa huling quarter, bukod sa pitong rebounds at limang…
Read More‘NO FLY ZONE’
(NI FROILAN MORALLOS) IDINEKLARA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ‘No Fly Zone’ sa paligid ng Philippine Arena sa Bucaue, Bulacan at New Clark City sa Pampanga simula sa November 30 hanggang December 11 . Ito ay may kinalaman pa rin sa gaganaping 30th South East Asian Games sa bansa, bilang seguridad sa mga delegado na mamgmumula sa iba’t ibang rehiyon sa Southeast Asia. Kaugnay nito ay nag-isyu na ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM ) kung saan ipinagbabawal ang lahat ng aircraft sa loob ng…
Read More