PHL TEAM SA SEMIS: AZKALS, INDONS 0-0

SISIPA ang Philippine Azkals sa semifinal ng AFF Suzuki Cup. Ito’y makaraan ang goalless draw kontra Indonesia, Linggo ng gabi sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta. Dahil tinalo ng Thailand ang Singapore, 3-0 sa kasabay na laro, naumentuhan nito ang Azkals na tumapos sa group stage sa second spot na may eight points. Bunga nito, talsik ang Singapore (6 points), habang nanguna sa grupo ang Thailand na may 10 points. Makakasagupa ng Azkals ang Group A winner Vietnam sa Disyembre 2 sa Panaad Stadium sa Bacolod. Naging mapisikal ang…

Read More

UP FIGHTING MAROONS BUHAY PA!

Buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines na makapasok sa finals, matapos maipuwersa ang knockout match nang itakbo ang pahirapang 73-71 win kontra pinapaborang Adamson University sa UAAP Season 81 semis sa Mall of Asia kahapon. Mula sa tablahang 71-71 count sa segundo ng laro, masuwerteng naipasa ni Juan Gomez de Liano ang bola sa libreng si Bright Akhuetie sa ilalim at swak ang two-pointer para itakbo ang panalo, 2.6 seconds sa laro. Bunga ng panalo, muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die match sa Miyerkules sa…

Read More

CURRY LIGTAS SA AKSIDENTE

Ipinaabot ni Stephen Curry ng Golden State sa pamamagitan ng social media na maayos ang kanyang kalagayan at walang dapat ipangamba ang mga fans dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ito’y matapos masangkot sa multiple-car collision ang NBA superstar. “Don’t need any reminders but All the Time God is Great and God is Great all the time! Appreciate all the texts,” lahad ni Curry sa kanyang twitter account. Biyernes ng umaga nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Curry habang papunta sa Warriors shootaround. Pero sa kabila ng damage sa kanyang…

Read More

FOLAYANG CHAMP ULIT; VERA WAGI NG KO

TINANGHAL na two-time ONE world lightweight champion si Edward Folayang makaraang talunin si Singaporean Amir Khan sa kanilang ONE: Conquest of Champions card noong Biyernes sa Mall of Asia Arena. Umiskor ang 35-anyos na si Folayang ng unanimous decision matapos bugbugin si Khan. Si Folayang din ang ikaapat na world champion ng Team Lakay ngayong taon, ang iba pa ay sina Geje Eustaquio, Joshua Pacio at Kevin Belingon. Halos all-around performance ang ipinamalas ni Folayang mula round 1 hanggang five sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng tuhod, siko, binti…

Read More

UAAP SEASON 81 FENCING: UE DUMIKIT SA MEN’S CROWN, ATENEO UNGOS SA WOMEN’S

TATLONG gintong medalya agad ang natusok ng University of the East sa unang dalawang araw, upang dumikit sa pagpapanatili ng men’s championship ng UAAP Season 81 fencing tournament sa Victoria Sports Tower sa Quezon City. Habang ang gold ni Maxine Esteban sa individual foil at saber events ang naglagay sa Ateneo sa unahan ng women’s division. Inangkin ni CJ Concepcion ang individual saber gold, habang si last year’s MVP Sammuel Tranquilan ay ibinulsa ang individual epee gold noong Huwebes sa opener. Nakatuon sa ikapitong sunod na korona, ang Red Warriors…

Read More

ROSE SHINES AGAIN

NEW YORK — Muling ipinamalas ni Derrick Rose ang husay matapos umiskor ng 25 points, habang nagdagdag si Karl Anthony Towns ng 21 markers at nine rebounds at akayin ang Minnesota Timberwolves sa 112-102 win kontra Brooklyn Nets. Si Rose ay 11-for-17 sa field, upang tulungan ang Minnesota na makabalik makaraang matalo ng dalawang sunod. Ang 30-year-old guard, wagi ng 2011 NBA MVP award noong nasa Chicago Bulls, ay binulabog ng injuries sa mga nagdaang taon bago siya muling nakapaglaro nang maganda ngayong season. At para kay Towns, nanunumbalik na…

Read More

FIRST ROUND SWEEP NG PETRON

Dinispatsa ng Petron, sa pangunguna ni Ces Molina, nagpakawala ng 26 points, ang Foton, 25-14, 25-27, 25-14, 25-12 upang kumpletuhin ang first-round sweep ng Philippine Superliga All-Filipino Conference, Huwebes ng gabi sa The Arena sa San Juan City. Nagpamalas si Molina ng halos all-around performance na 19 kills, five service aces at two blocks, at pahabain pa ng Blaze Spikers sa pito ang kanilang winning run para sa susunod na round. Nakakuha pa ng suporta si Molina mula sa mga kakamping si Bernadeth Pons, may 13 hits, 11 points mula…

Read More

TEAM PILIPINAS RUMESBAK SA JORDAN

Matapos ang 92-98 loss sa unang tune-up game kontra Jordan, niresbakan ng Team Pilipinas ang bisitang koponan, 82-73 sa ikalawang tune-up kagabi sa mainitang laro sa Meralco gym. Nag-init ang ulo ni coach Yeng Guiao at kinompronta ang coach ng Jordan na si Joey Stiebing sa midcourt matapos na ibato ng Jordanian player ang bola kay Scottie Thompson sa huling 6:26 sa laro. Kahit sa unang tune-up pa lamang ay nagkakainitan na ang magkabilang kampo, lalo nang daganan ni Mohammed Hussein si Christian Standhardinger. Mabuti na lamang at may mga…

Read More

FEU TAMARAWS HUMABOL SA F4

Sinelyuhan ng huling tres ni  Arvin Tolentino ang panalo ng FEU Tamaraws kontra La Salle Green Archers, 71-70, upang kunin ang huling silya sa Final Four ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum. Sumandal ang Tamaraws sa 7-2 run na kanilang ipinuslit sa mga huling sandali ng labanan upang emosyunal na kunin ang huling slot sa semis sa ikaanim na sunod na pagkakataon Lamang ang Archers, wala nang isang minuto sa  labanan, matapos ang huling lay-up ni  Aljun Melecio, 70-64, ngunit  isang foul buhat kay Santi…

Read More