THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NORMAL na usapin ang lagay ng trapiko sa araw-araw, lalo na para sa mga pumapasok sa opisina na kagaya ko. Minsan nga, mas balita pa kung mabilis ang byahe. Kung dati-rati, rush hour lang ang kailangan iwasan, ngayon wala nang pinipili ang rush hour maliban na lang siguro kung pipiliing bumiyahe ng madaling araw o sa mga oras na halos wala talagang sasakyan sa daan. Para sa napakaraming commuter sa Pilipinas na umaasa sa pampublikong transportasyon sa araw-araw, nakaiinit talaga ng ulo ang matinding trapiko.…
Read MoreCategory: CLAIRE FELICIANO
PAGKONTROL SA KONSUMO KAHIT BUMABA ANG SINGIL SA KURYENTE
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita nitong weekend ang pag-anunsyo ng Meralco na magkakaroon ng 36 centavos kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan. At bagama’t magandang balita ito lalo na’t may nakaambang malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, kapansin-pansing negatibo pa rin ang naging pagtanggap ng ilang media sa pagbaba ng singil. Hindi rin naman natin masisisi kung ang case study na ginagamit sa news item ay nagrereklamo na hindi nila mararamdaman kahit bumaba ang singil sa kuryente. Kasi nga naman, nagtataasan din ang presyo…
Read MoreHAMON AT OPORTUNIDAD NG MULTIGENERATIONAL WORKFORCE
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa pinakamatinding hamon na kinakaharap ng mga business executive at leader ang limang henerasyong sabay-sabay na bahagi ng workforce sa kasalukuyan. Sa isang pag-aaral ng PwC, positibo ang pananaw ng mga Chief Executive Officer (CEO) sa Pilipinas kung usapin ng mga posibilidad sa industriya at paglago ng negosyo ang pag-uusapan. Pero kritikal na aspeto ngayon ng pagpapatakbo ng negosyo ang pamamahala sa manggagawa at empleyado na mula sa iba’t ibang henerasyon dahil sa matinding pagkakaiba-iba ng mga ito. Nasa 76% ng mga CEO ang…
Read MoreMALI ANG DISKRIMINASYON BASE SA LAHI NG ALAGANG HAYOP
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SOBRANG bukas na ng ating lipunan sa konsepto ng pagturing bilang bahagi na ng pamilya ang mga alagang hayop. Noong tumama pa ang pandemya, mas tumindi ang interes ng napakaraming tao na mag-alaga ng hayop. Kaya nga nang magbukas na muli ang mga establisyimento pagkatapos ng mga lockdown, dumami rin ang mga “pet-friendly” na lugar kagaya ng mga restaurant at mga shopping mall. Ayon sa datos, nasa 67% ng mga Pilipinong pamilya ang may alagang aso at nasa 43% naman ang mayroong pusa. Dati naman…
Read MoreMABUTI ANG KOMPETISYON PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita nitong nakaraang linggo ang interes ng malalaking kumpanya sa isinasagawang bidding ng Meralco. Pinaghahandaan na kasi ng kumpanya ang kakailanganing suplay simula sa susunod na taon, kaya naman para masigurong mababa ang magiging presyo, kailangang sumailalim ito sa tinatawag na Competitive Selection Process (CSP). Siguradong matindi ang kompetisyon dahil malalaking pangalan sa industriya ng enerhiya ang maglalaban-laban. Pinangalanan ng Meralco ang mga nagpahayag ng interest — ang Masinloc Power at Sual Power ng San Miguel, GNPower ng Aboitiz, First Gas at First…
Read MorePAGHAHANDA PARA SA HINAHARAP
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa aktwal na kinakaharap natin sa bansa ang patuloy na pagtaas ng demand sa kuryente at ang matunog na panawagan sa buong mundo na tumangkilik sa mas malinis na pagkukunan nito. Kaya marami nga ring inisyatibang naglalayong isulong ang renewable energy, ang paggamit ng solar, wind o hydropower resources na available naman sa maraming bahagi ng bansa. Napakamatunog nito at napakarami na ring polisiya ng pamahalaan para mas mapaigtimg pa ang paggamit ng renewable energy sa bansa. Pero habang narito na tayo sa aspetong…
Read MoreSUPORTA SA PRANGKISA NG MERALCO
Thinking Aloud ni CLAIRE FELICIANO INENDORSO na ng Committee of Legislative Franchises ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-renew ng 25 taong prangkisa ng Meralco na isang mahalagang hakbang para masigurong patuloy na mabibigyan ng serbisyo ng kuryente ang libu-libong mga konsyumer nito. Ayon kay Congressman Gus Tambunting, nakatanggap din ang komite ng mga statement of support mula sa mga grupong sumasakop sa iba’t ibang industriya para sa Meralco. Kaya nga ang malawakang suporta para ma-renew ang prangkisa ng Meralco ay nagpapakita ng mahalagang papel na ginagampanan nito sa lipunan…
Read MoreSUPORTA SA MGA PILIPINONG ATLETA
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAGING napakamakasaysayan ng Olympics Games para sa Pilipinas ngayong taon dahil sa karangalang hatid ng mga Pilipinong atletang kumatawan sa Pilipinas. Bago magsimula ang Olympics, mayroon na kaagad hamon para sa 22 atleta na ipinadala sa Paris, France. Dahil sa Tokyo 2020 Olympics kung saan nag-uwi ang Filipino weightlifter na si Hidilyn Diaz ng kauna-unahang gold na medalya para sa bansa. Bukod pa diyan, mayroon pa tayong dalawang silver at isang bronze. Pero itong Olympics ngayong taon ang nagpatunay ng kakayahang ng mga Pilipinong atletang…
Read MoreSAPAT AT PINAKAMURANG KURYENTE PARA SA MGA KONSYUMER AT SA BANSA
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NITONG nakaraang Abril hanggang Hunyo, naranasan sa buong Luzon ang tinatawag na Yellow at Red Alerts na ibig sabihin ay manipis o kulang ang suplay ng kuryente kaya may posibilidad na magkaroon ng power interruptions o brownouts. Halos hindi na tumigil ang mga miyembro ng energy industry kasama ang Department of Energy at ang Meralco, ang pinakamalaking distribyutor sa bansa, sa pagpapaalala sa mga konsyumer na maging masinop sa paggamit ng kuryente para makontrol ang demand at mapagkasya ang suplay. Hindi naiwasan na may mga…
Read More