Lagpas na sa pitong (7) dosena na ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 o Covid-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makapagtala ng dalawa pang kaso kahapon.
“We have two (2) new confirmed cases,” ani House Secretary General Jose Luis Montales, Biyernes ng umaga kaya umakyat na sa 85 ang naitalang kaso sa Kapulungan muna noong Marso.
Ayon kay Montales, ang isa sa dalawang timaan ng covid-19 ay nagtatrabaho sa Administrative Department subalit isang buwan na umano naka-WFH o work-from-home.
“The second is from our Payroll Group, Accounting Service.
She last reported for work on Sept 21 and got tested after experiencing body malaise, fever, sore throat, and loss of taste and smell,” ani Montales.
Dahil dito, nagsasagawa na aniya ng contact tracing ang tanggapan ni Montales para malaman kung sino ang nakasalamuha ng pangalawang biktima sa Kapulungan noong huling pumasok sa kanyang trabaho.
Isang empleyado ang unang timaan ng covid-19 case sa Kamara noong Marso na kalaunan ay ikimatay nito at mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagdami ng kaso sa Kapulungan.
Kabilang sa mga timaan ang covid-19 ay 10 Congressmen kung saan dalawa sa mga ito ay nasawi na sina Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr., at Sorsogon Rep. Bernardita “Ditas”Ramos.
Magugunita na nasawi din sa covid-19 ang chief of staff (COS) ni Ramos.(30)
148
