CURFEW SA SAN JUAN PINAIKLI

INIKLIAN ng San Juan City Government ang curfew sa siyudad.

Sa isang kalatas, inanunsyo ni San Juan Mayor Francis Zamora na gagawin na itong 12 a.m. hanggang 5 a.m.

“All health and safety protocols will remain in place and will be strictly enforced through our COVID-19 local ordinances and IATF resolutions and directives,” sinabi ni Zamora.

Nauna rito ay nagdesisyon si Parañaque Mayor at ang Metro Manila Council sa pangunguna ni chairman Edwin Olivarez na bawasan na ang oras ng curfew.

Muli namang nagpaalala si Mayor Zamora sa mga taga-San Juan na gustong bumisita sa mga mahal sa buhay sa San Juan Cemetery, na magpa-appointment muna.

“Tuloy-tuloy pa rin po ang pagtanggap namin ng inyong appointment para sa pagbisita sa mga yumao sa San Juan Cemetery,” sinabi nito.

Pinayuhan ang lahat na tumawag o mag-text sa 7728-9818 o 09151627152 o mag-register online sa www.picktime.com/sanjuancityundas2020.

“First-come, first-served basis po ang appointment system natin ngayong Undas 2020. Ang mga may reservation lang po ang papapasukin sa loob ng sementeryo,” paalala ni Zamora. (CATHERINE CUETO)

119

Related posts

Leave a Comment