DIVORCE BILL MULING BINUHAY

divorce22

(NI NOEL ABUEL)

PANAHON nang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas dahil sa malaking bilang ng naghihiwalay  na mag-asawa.

Ito ang giit ni Senador Risa Hontiveros kung kaya’t muling binuhay ang Divorce Act of 2019 na inihain nito sa Senado para matalakay.

Paliwanag pa nito na tanging ang Pilipinas sa buong mundo maliban sa Vatican ang walang batas para maging legal ang diborsyo.

Aniya, sa kabila ng mataas ang respeto sa mga taong nagpapakasal subalit hindi umano maitatanggi na malaking bilang ng mag-asawa ang naghihiwalay.

“Buo rin ang aking simpatiya at suporta sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kababaihang nais lumaya sa mga mapang-abusong relasyon. Hindi iilan lamang ang mga kababaihang biktima ng domestic violence at psychological abuse. They, together with their children, deserve not only a second chance, but all the chances available in this world to find true and meaningful relationships and build nurturing families,” paliwanag pa ng senadora.

Sa ilalim ng Divorce Act of 2019, sakop nito ang usapin ng psychological incapacity ng mag-asawa, “irreconcilable marital differences,” marital rape, at sinumang mag-asawa na naghiwalay na sa loob ng 5-taon para magdiborsyo.

“This measure is for all. However, I want to stress the importance of protecting women from being trapped in abusive relationships and the need to provide a legal mechanism for that protection,” sabi pa nito.

Sa datos umano ng Philippine Statistics Authority (PSA), isa sa apat na babae ang nakakaranas ng pang-aabuso at pananakit mula sa asawa.

“The passage of a divorce law is one of the ultimate forms of freedom we can give Filipino women. When we give them the real chance to turn the page, we allow them to return to safe and nurturing homes they can call their own again. We believe that this is real respect for the sanctity of family and marriage,” aniya pa.

 

244

Related posts

Leave a Comment