WALANG ideya ang Malakanyang kung posibleng gawin ang “electronic dalaw” para sa mga nagnanais na makita ang kanilang mga nakakulong na kaanak ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pag-aaralan ito ng mga otoridad.
Aniya, makikipag-ugnayan ang Malakanyang kay DOJ Secretary Meynardo Guevarra at kay Bureau of Correction Chief Gerald Bantag upang malaman kung maaari itong ipatupad.
Hinggil naman sa COVID-19 testing, isinasagawa na aniya ito sa mga piitan sa bansa kaya nga napigilan ang mas malawak pang pagkalat ng virus.
May panawagan si Kapatid spokesperson Fides Lim sa pamahalaan na magpalaya ng mas marami pang bilanggo sa gitna ng alalahanin sa pagkalat ng virus sa loob ng mataong bilangguan partikular na iyong mga low-level offender, mga may sakit at matatandang bilanggo. (CHRISTIAN DALE)
83