(BETH GELENA)
SA Instagram ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl, very proud niyang pinost ang heartwarming pic niya with flaunting her crown, sash ng pitong special awards na napanalunan sa Bb. Pilipinas 2022 pageant.
Nilagyan niya ng caption ang mga ito.
“KUNG KAYA KO KAYA MO RIN, wag kang matakot na ipakita kung ano ang meron ka.”
Patuloy pa niya,”Binibining hindi inaasahan because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”
Si Herlene ang 1st runner-up sa Bb. Pilipinas 2022.
Sa kanya rin ini-award ang halos special awards like JAG Queen, Binibining Silka, Binibining Shein, Binibining Kumu, Binibining World Balance, Binibining Pizza Hut 2022 at higit sa lahat Manila Bulletin Readers’ Choice Award.
Maraming netizens ang kumutya kay Hipon Girl sa umpisa pa lang ng kanyang pagsali.
Pero, marami rin ang natuwa sa kanya dahil nagpakatotoo ang dalaga sa kanyang goal na maging isang beauty queen.
Sigurado isa sa natuwa ay ang laging bukambibig ni Herlene na si Willie Revillame.
Isa lamang siyang contestant noon sa isang segment ng programa ng TV host, ang Wowowin.
Nagustuhan ni Kuya Wil ang kanyang angas kaya kinuha siya nito para maging lady co-host ng programa na later on ay naging aktres-comedienne.
Ayon sa former beauty queen na si MJ Lastimosa, last na raw ni Herlene ang beauty pageant, ang Bb. Pilipinas 2022.
Wala pa namang nababanggit ang newly crowned 1st runner-up sa bagay na ito.
Hinggil naman sa Twitter post ni Vice Ganda na emotional siya sa performance ni Hipon girl.
Na-appreciate ni Herlene ang Tweet ng It’s Showtime host
Sa kanyang Facebook account, aniya, “being mentioned in the Unkabogable Phenomenal Star’s tweet is a huge honor.”
107