MARK HERRAS TINANONG ANG DIYOS

Sa interview ni Kim Atienza kay Mark Herras, inamin nito na nawalan daw siya ng direksyon sa buhay at hindi iningatan ang kanyang mga kinikita sa pag-artista.
Pag-amin rin niya na nakaranas siya ng depresyon dahil nagkasunod-sunod ang pagpanaw ng kanyang mga mahal sa buhay.

“Namatay yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito, Sunud-sunod sila, eh, (Year) 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years, my mom, then after six months, my tito,”balik tanaw ni Mark.

Hindi raw siya nakapag-mourn nang maayos dahil nga sunud-sunod  ang pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay.

“Talagang nandoon pa rin akong sa parang…`Bahala na, gagawin ko ito. `Walang direksyon, Na parang, `Sige, magtrabaho ako. Pero yung pera ko, after it, one day millionaire lang ako na wala naman akong  pakialam, eh, kasi ano pa ang purpose  ko sa buhay, di ba?”

“Kasi, before I joined Starstruck, sinasabi ko sa kanila.`Bakit ka nag-showbiz?`  `Just  to help my family.` Siyempre, nandiyan pa rin yung mga pinsan ko, yung mga tita ko. Pero yung mismong  pamilya ko na core, wala  na. So, parang nawalan  ako ng direksyon  sa buhay. Ano pa ang dapat  kong gawin?” patuloy pa ni Mark.

At dahil sa dinaranas niya ay dumating daw siya sa punto na tinanong ang nasa Itaas kung ano ba ang plano sa kanya ng Diyos.

“Before, ang laging kong tinatanong, “Why God? Ano po ba ang plano  Ninyo sa akin?”  Noong time na yun. Kinokontra ko Siya. Sabi  ko, `Parang mali, eh, hindi Nyo dapat  kinuha sa akin eh,” say pa niya.

Pero lahat ng ito ay nagbago nang dumating sa buhay niya ang wife na si Nicole at anak na si Corky.

“Ang tagal ng turning point. Actually sa totoo lang, noong dumating sa akin yung bago kong  naging pamilya, si Nicole and si  Corky, muling nagkaroon  ng direksyon ang buhay ko,” say ng Kapuso actor.

“Ngayon, ito pala yung  purpose. Para matuto ako sa buhay, to be a responsible dad sa anak ko, to be a better father, a better partner sa wife ko,” say ni Mark.
Ngayon, lahat  daw ng kinikita niya sa pag-aartista ay inilalaan niya sa kanyang mag-ina.

163

Related posts

Leave a Comment