RESSA AT DATING WRITER BIGO SA CA

NABIGO si Maria Ressa ng Rappler at ang kasama nitong dating writer na si Reynaldo Santos Jr. na mabaligtad ang naunang hatol ng korte kaugnay ng kasong cyber libel laban sa kanila.

Ito ay makaraang hindi katigan ng Court of Appeals ang apela ng mga ito kaugnay ng hatol ng korte na pagkakulong ng anim na taon matapos mapatunayang guilty sa nasabing kaso.

Una nang natalo sa Manila Regional Trial Court ang dalawa kaya umapela sa CA noong Hunyo, 2020.

Umaasa sina Ressa at Santos na pagbibigyan ng Kataas-taasang Hukuman ang kanilang apela. (RENE CRISOSTOMO)

77

Related posts

Leave a Comment