SUNSHINE SAGWA NANG MAGPASEKSI

NAUBOS ang pasensya ni Sunshine Cruz sa mga basher na tumutuligsa sa kanyang pananamit.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong Aug. 10, sinagot ng 45 year old actress

ang ilang komento na nagsasabing hindi akma ang kanyang sexy outfits sa edad, lalo na’t siya ay may anak na.

Komento ng isang netizen, “kasawa rin ‘yung puro ganyan, itsura niya. Wala ba siya damit?

Sabi pa ng isa, “what happen to you? Wala ka na sa edad pero nagpo-post ng ganyan.”

Kalakip ang kanyang litrato na naka-two piece at ang dalawang screenshots ng komento ng netizens, agad binuweltahan ni Sunshine ang mga ito.

Ayon sa celebrity mom, hindi niya hahayaang diktahan ng sinuman kung ano ang dapat niyang suotin.

100

Related posts

Leave a Comment