LUCENA CITY – Sugatan ang isang estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo nang mabangga ang isang baka na biglang tumawid sa highway sa lungsod.
Kinilala ang biktima sa pangalang “Cyrus”, isang 19-anyos na second year criminology student, at residente ng Barangay Ilayang Pulo, Pagbilao, Quezon.
Ayon sa report ng Lucena City Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-11:45 ng gabi noong Martes habang binabaybay ng biktima ang Ecotourism Road sa Barangay Silangan Mayao.
Bigla na lamang ng umanong tumawid ang baka sa kalsada dahilan para mabangga ito ng motorsiklo ng biktima.
Malubhang napinsala sa kaliwang braso ang biktima na agad isinugod ng nagrespondeng mga tauhan ng Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office (LCDRRMO) sa Quezon Medical Center (QMC) para malapatan ng lunas.
Napag-alaman din ng mga pulis na walang lisensya sa pagmamaneho ang biktima, expired ang rehistro ng kanyang motorsiklo at walang plaka.
(NILOU DEL CARMEN)
94 