PINANINDIGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan ang pagbabalik ng face-to-face classes hangga’t hindi nakakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.
Sinabi ni Pangulong Duterte na papayagan lamang niya na magbalik ang face-to-face classes sa oras na mabakunahan na ang lahat.
“In the last meeting, Carlos Dominguez III, the Secretary of Finance, said clearly that we have the money already reserved for the vaccines and it’s there, and we can buy as many vaccines as required, maski na sumobra, mas mabuti ngang sumobra kaysa magkulang,” ani Pangulong Duterte.
“Dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but, mahirap, I cannot gamble on the health of the children,” ang sinabi naman ni Pangulong Duterte kay Education Secretary Leonor Briones.
Sumang-ayon naman si Briones kay Pangulong Duterte.
Aniya, ipagpapatuloy na lamang ng DepEd ang paghahanda at maghihintay hanggang sa ligtas nang muling buksan ang mga eskuwelahan. (CHRISTIAN DALE)
182 