6-7 % ECONOMIC TARGET KAYANG MAABOT — PALASYO

panelo

(NI BETH JULIAN)

KUMBINSIDO ang Malacanang na maaabot ng gobyerno ang anim hanggang pitong porsiyentong economic target para 2019.

Sa kabila ito ng naitalang pagbagal ng GDP gross o sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 na sumipa lamang sa 5.6 percent.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawawala ang economic momentum ng pamahalaan lalo na ngayong wala nang problema sa pambansang budget.

Kumpiyansa si Panelo na magtutuluy-tuloy na ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno na inaasahang makapag aambag ng pagpalo sa lokal na pagangailangan.

Ayon pa kay Panelo, natugunan na rin naman ng economic managers ang isyu ng inflation.

Bukod sa pagkaantala ng 2019 budget, nakaambag din umano sa mabagal na paglago ng ekonomiya ang El Nino sa bansa na lubhang nakaapekto sa maganda sanang galaw ng mga produktong pang agrikultura.

 

 

114

Related posts

Leave a Comment