(NI LILY REYES)
TINIYAK ng Commission on Election-Quezon City , na maipoproklama nila ang susunod na mayor ng lungsod sa loob lang ng 24-oras matapos ang pagsasara ng election polls sa Mayo 13.
Sa panayam kay Comelec-QC Election Officer Ma. Anne Gonzales, ay siniguro nito na tuluy-tuloy ang workflow ng mga Board of Canvassers para sa agarang proclamation ng mga bagong halal na mga bagong opisyal.
“We’re targeting to proclaim all local candidates of Quezon City within 24 hours after the polls close on May 13.” sabi ni Gonzales.
Ang Lungsod Quezon ay mayroong 111 local candidates: 95 dito ay kandidato sa pagka konsehal, 6 ang tumatakbong vice mayor at 10 kandidato sa pagka-mayoral position.
Nasa 1,330,118 ang total ng mga registered voters ng Quezon City .
Ayon pa rin sa Comelec-QC ang voting precincts ng nasabing lunsod ay bubuksan ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
256