GILAS MAMIMITAS SA TOP PBA TEAMS

Ni VT ROMANO

GAYA nang napagkasunduan, kukuha si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ng manlalaro mula sa San Miguel Beer, TNT at Ginebra.

Kaugnay nito, mga pangalan nina June Mar Fajardo, ­Scottie Thompson at CJ Perez ang ­nangunguna sa listahan ng bubuuing lineup para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre kontra Jordan at Saudi Arabia.

Si Fajardo, six-time MVP, kinatawan na ang Gilas noong 2013 FIBA Asia championship nang mag-qualify ang Pilipinas sa World Cup sa unang pagkakataon sa loob ng 40 taon. Dalawang beses nang lumaro ang 6-foot-10 center sa pinakamalaking basketball event, pinakahuli noong 2019 edition sa China.

Si reigning league MVP Thompson ay miyembro naman ng gold medal winner Gilas team ni Coach Tim Cone sa 2019 SEA Games (Manila). Nakabalik sa koponan ang Gin Kings star at lumaro sa fourth window noong nakaraang buwan.

Si Perez, two-time PBA ­scoring champion at World Cup veteran, ay kasusungkit lamang ng kanyang unang PBA ­championship sa Beermen at ang kanyang scoring prowess ay malaking tulong sa Philippine team laban sa Jordan at Saudi Arabia. Ang 6-foot-2 former ­Lyceum stalwart ay miyembro rin ng 2019 national 3×3 team nagwagi ng gold sa SEAG.

Maliban sa tatlo, inaasahan ding mapapabilang sa lineup sina 6-foot-9 forward Japeth Aguilar at Arvin Tolentino, Ginebra teammates ni Thompson, gayundin sina TNT stars Roger Pogoy at Poy Erram.

Si Aguilar ay regular nang kasapi ng national team program kahit noon pang 2008, nang buuin ang Smart-Gilas sa ilalim ni Coach Rajko Toroman.

Nakalaro na si Tolentino sa Asian Championships bilang miyembro ng national youth team, bago pa man sila nakilala sa ­collegiate league at naging isa mga promising players sa PBA.

Sina Pogoy at Erram naman ay makailang beses na rin naging miyembro ng national team.

Maliban sa mga manlalarong nabanggit, magsasama rin ng players mula sa Japan B.League at buhat sa UAAP at national training pool.

Ihahayag ng SBP ang iba pang miyembro ng pool sa ­sandaling makumpirma ang ­availability nila.

161

Related posts

Leave a Comment