HATCHBACK-TYPE, SUB-COMPACT CARS, OK NA SA DOTr

dotr44

(NI KEVIN COLLANTES)

PINAHINTULUTAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hatchback-type at sub-compact na behikulo na permanenteng makapag-operate bilang transport network vehicle service (TNVS) units.

Inianunsiyo ni Transport Assistant Secretary Goddess Libiran, na isang Department Order (DO) hinggil dito ang nilagdaan nitong Biyernes ng umaga ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Sec. Tugade signs the Department Order permanently allowing hatchbacks and sub-compact cars as TNVS units,” pahayag pa ni Libiran.

Nauna rito, inalis ng Land Transportation and Regulatory Board  (LTFRB) ang mga hatchback cars sa listahan ng mga sasakyang pinapayagang mag-operate bilang TNVS.

Matapos naman ang isinagawang konsultasyon sa mga drivers at stakeholders, inatasan ni Tugade nitong Huwebes ang LTFRB na ipatupad ang Memorandum Circular 2018-005, na nagpapahintulot sa mga accredited hatchback units na maging TNVS muli.

143

Related posts

Leave a Comment