Inirerekomenda na kung kailangan mong malaman ang tunay mong taas ay gawin mo ito sa umaga.
Iba kasi ang sukat natin sa umaga kumpara sa maghapon o sa gabi.
On the average, mula sa pagbangon natin mula sa higaan ay mas mataas tayo ng 2cm o aabot sa 3/4 inch kumpara sa buong araw. Samantalang sa gabi ay kabaliktaran nito, at nag-iiba ito by 2/3cm.
HALAGA NG HEIGHT
Ang ating height velocity (rate kung saan tayo ay tumataas) ay sadyang mabagal.
Para sa mga lalaki, ang pinakamabilis na pagtaas ng kanilang height ay aabot mula 3 hanggang 4 inches kada taon at iyan ay nangyayari sa pagitan ng edad 13 at 14. Dahil sa slow rate ng pagtaas, hindi kailangan sa teenage years na ito na sukatin ang kanilang taas nang madalas at hindi kailangan gawin ng once a month.
Kahit pa sa small time period na nabanggit, ang maximum ng taas ng sinuman ay over quarter of an inch lamang. Ibig sabihin nito, kapag sinusukat natin ang atin taas, gusto nating maging accurate ito.
TAMANG SUKAT NG HEIGHT
May dalawang method na karaniwang ginagamit sa pagsukat ng ating taas. Ito ay ang morning height (mula mismo sa pagbangon sa kama) at idagdag ito sa night height bago ka matulog sa kama at i-divide ito sa dalawa. Ito ang tinatawag na “mean average”.
BAKIT NAG-IIBA ANG HEIGHT SA MAGHAPON?
Nababawasan ang ating taas mula umaga hanggang gabi dahil naku-compress ang ating spinal column.
Ang spine natin ay may 23 discs na nasa pagitan ng ating vertebrae. Ang discs na ito ay nag-a-absorb ng variations na siyang dumaraan sa ating katawan. Kapag wala nito, ang ating mga buto ay magka-crunch nang sabay at hindi tayo makagagalaw nang maayos. Ang galaw nito ay walang pinagkaiba sa suspensions na nasa kotse o sasakyan. Gayunman, dahil sa nakukompromiso ang discs, naiiba ito kaya kailangan ng maayos na tulog sa gabi para ma-repair ito.
Gayundin naman, kapag tayo ay tumatanda ay nagiging mahina na ang ating galaw at hindi na tayo flexible tulad ng dati kaya pati ang height ay nababawasan.
May pag-aaral din na iba ang paliwanag.
Sinabing ang sukat ng height sa umaga ay dahil sa gravity na kumu-compress sa ating cartilage na nasa gulugod at sa ibang parte ng ating katawan tulad ng tuhod kapag tayo ay tumatayo o umuupo sa maghapon. Kapag tayo naman ay nagpapahinga na sa kama kung saan mas relaxed ang buong katawan, ang gulugod natin ang “spread out” o nade-decompress na kaya naman sa umaga ay mas mataas tayo mula sa pagkakapahinga nang mahabang oras sa gabi.
Sa katotohanan din umano, ang mga astronaut na galing mismo mula sa kalawakan ay mas mataas ng ilang inches kumpara sa normal height nila kapag sila ay nasa mundo. Ito ay dahil sa kakulangan ng gravitational forces sa kanilang mga gulugod na malayo sa earth’s atmosphere.
BABAE MAS UNANG LUMILIIT
Ang rate ng pagbaba ng height ay mas mabilis para sa mga babae kumpara sa mga lalaki kapag sila ay nagkakaedad na.
Para sa parehas na kasarian, ang pagbawas ng height ay nasisimulan sa edad na 30 at bumibilis pa habang nadadagdagan ang edad.
Ang cumulative height ay nababawasan mula sa average na edad 30 hanggang mag-70 at ito ay umaabot sa sukat na 3 cm 1.18 inches para sa mga lalaki habang sa mga babae ay 5 cm o 1.97 inches. Kapag tumuntong naman sila sa edad na 80, bababa ito sa 5 cm o 1.97 inches para sa mga lalaki habang sa mga babae ay 8 cm o 3.15 inches.
BAKIT NABABAWASAN ANG HEIGHT?
Ang pagbawas ng ating height ay depende rin sa kung anong ginagawa natin o sa lagay ng ating kalusugan.
Kung mayroon tayong bad posture o hindi tamang postura ay hindi rin nagiging tama ang height. Nasisira rin ang height kung tayo ay kuba, may osteoporosis, kung nagkaroon ng knee at hip replacements, o nabaluktot ang gulugod.
1111
