SAGOT ng gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia ang hospitalization, sa pribado man o pampublikong ospital ng 119 Filipino na may covid related infections.
Ayon kay ambassador of the Philippines to KSA Adnan Alonto, sa bilang na ito, 5 na ang nasawi.
Mapalad naman aniya ang mga Filipino sa Saudi na tinamaan ng COVID-19 dahil hindi na mamumroblema ang mga ito sa pambayad sa ospital.
Sa pangkabuuang record, umaabot na sa 17,522 ang mga kaso ng COVID-19 sa buong Kingdom of Saudi Arabia.
Sa bilang na ito, 139 ang nasawi habang 2,357 ang mga gumaling na.
Sa kabilang dako, aminado naman ang Saudi government na nagkaroon ng mabilis na pagdami ng nagpositibo sa COVID-19 doon dahil nagsimula na rin sila ng mass testing.
Samantala, para naman sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho o nasa no work no pay status ngayon sa Saudi, sinabi ni alonto na binibigyan sila ng pagkain ng embahada at sinisiguro na sumusunod ang kanilang mga employer sa kasunduan na suplayan sila ng pagkain at accommodation o maayos na matutuluyan. CHRISTIAN DALE
186 