IMMORAL ‘YAN! P90-B PHILHEALTH FUNDS ILILIPAT SA MALACAÑANG

(BERNARD TAGUINOD)

TINAWAG ng Makabayang bloc na immoral ang paglilipat sa halos P90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Malacañang para gamitin sa mga proyektong wala pang pondo.

Bukod dito, sinabi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na harap-harapang paglabag sa batas na pumoprotekta sa interes ng mga miyembro ng PhilHealth ang ginawang ito ng Malacañang.

“This immoral transfer of funds is a direct assault on the health rights of Filipinos, especially the most vulnerable sectors of our society,” ani Castro.

Ang pondo ng ahensya ay nakalaan para matulungan ang nagkakasakit na mahihirap.

Unang natuklasan sa pagdinig ng Kamara na mula 2021 ay umaabot sa P89.9 billion ang hindi nagastos ng PhilHealth.

Taon-taon ay naglalaan ng pondo sa General Appropriations bilang subsidiya sa mahihirap at hindi miyembro ng PhilHealth subalit ikinadismaya ng Kongreso na hindi nagastos ang halagang ito kahit marami ang nangangailangan ng tulong.

Dahil dito, naglabas ng direktiba ang Malacañang sa PhilHealth para ibalik ang pondong hindi nagamit para mailaan sa mga proyektong nakalista sa unprogrammed funds o proyekto na itutuloy lamang kung may sobrang pera ang pamahalaan.

“We demand that the Marcos administration immediately return these funds to PhilHealth, where they rightfully belong and should be used for the benefit of its members,” pahayag pa ni Castro.

Nangangamba rin ang mambabatas na posibleng gagamitin ng mga kandidato ng administrasyon ang pondong kinuha sa PhilHealth sa susunod na eleksyon para sa masiguro ang kanilang panalo.

“There are concerns that these diverted funds may be used for the coming elections. We will move to strike down this provision from the 2025 budget and ensure that PhilHealth funds are protected and used solely for their intended purpose,” dagdag pa ni Castro.

215

Related posts

Leave a Comment