Romualdez pinaka kulelat na top gov’t official APPROVAL, TRUST RATINGS NI MARCOS DUMAUSDOS

PATULOY sa pagbaba ang rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. base sa pinakahuling Pulse Asia survey na inilabas nitong Miyerkoles.

Umiskor na lamang si Marcos ng 53% approval rating nitong Hunyo na mas mababa ng dalawang puntos mula sa kanyang 55% rating noong Marso. Ang kanyang trust ratings naman ay bumagsak ng 5%, na naitalang 52% nitong Hunyo mula 57% noong Marso.

Kabaligtaran naman ang resulta ng survey kay Vice President Sara Duterte na nadagdagan ng dalawang puntos kaya nagtala ng 69% mula sa 67% noong Marso.

Samantala, ang lider ng Kamara at pinsan ni Marcos na si Speaker Martin Romualdez ay nangulelat naman sa mga top government official.

Kapwa lowest score ang naitalang performance and trust rating ni Romualdez. Gayunman, ang 35% na iskor nito ay mas mataas sa 31% na naitala niya noong Mayo.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 17 hanggang 24 at may 2,400 respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa social media, kantyaw ang inabot ni Romualdez.

Ayon sa isang netizen, walang naitulong ang patuloy na pamimigay ng ayuda ng House leader dahil kulelat pa rin ito sa survey.

“Nilustay na yung pera ng taxpayers sa kakaayuda kulelat pa rin sa ratings,” ayon sa netizen.

224

Related posts

Leave a Comment