SMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P3-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nahagip ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa bandang timog ng bansa kamakailan.
Sa kalatas ng BOC, timbog sa ikinasang anti-smuggling operation sa pagitan ng BOC- Port of Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion at Tungawan Municipal Police Station, ang isang trak na naglalaman ng target na kontrabando.

Sa imbestigasyon, lumalabas na isang impormante ang nagtimbre hinggil sa pagbiyahe ng trak sa Barangay Baluran sa bayan ng Tungawan patungo sa mga karatig bayan para magdala ng mga sigarilyong ipinuslit sa bansa.

Nang masabat ang target na Isuzu Canter Truck, tumambad ang 85 master cases ng sigarilyong agad namang kinumpiska ng mga opertiba. Arestado rin ang tatlong hindi pinangalanang suspek.
Pagtitiyak ni BOC-Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., mas paiigtingin pa ng kanyang nasasakupan distrito ang pagtugon sa hamon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na mas maging maingat at mabusisi sa pumapasok at lumalabas na kargamento.

Nahaharap naman sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations ang mga arestadong indibidwal, maging ang mga nakatalang may-ari sasakyan ang nakumpiskang kontrabando. (BOY ANACTA)

102

Related posts

Leave a Comment