INARESTO ng pulisya ang isang lalaking nasa drug watchlist ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa isang EMBO (enlisted men’s barrio) barangay sa Taguig City noong Setyembre 8.
Nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Jay”, 41, sa inilunsad na entrapment operation ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa Barangay Cembo.
Inuri ng Taguig City Police ang suspek bilang street-level individual.
Nakuha sa kanya ang walong plastic sachet na naglalaman ng 15.7 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P106,760.
Narekober din ng mga awtoridad ang marked money na ginamit sa transaksyon na dalawang P100 bill, at P1,000 bill boodle money.
Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(CHAI JULIAN)
181 