LIBONG OFWs LUMUSOB SA TARLAC GYM BILANG SUPORTA SA AKO-OFW PARTY-LIST

DINALUHAN ng libo-libong overseas Filipino workers (OFW) ang oath taking ceremony kamakailan sa Tarlac, City.

Inimbitahan ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles ang AKO-OFW para mas lumaganap pa ang mga adbokasiya at plano na tututok sa pangangailangan ng mga OFW.

Kasama ang kanilang pamilya, mainit na tinanggap ang mithiin na maipaabot sa kanila ang nais na tulong at proteksyon ng AKO-OFW party-list at ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan.

Ayon kay AKO-OFW 1st nominee at Chairman Dr. Chie Umandap, nagtutugma ang layunin ng AKO-OFW at ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na kakatawan bilang congresswoman ng District 2 sa Tarlac City.

Dahil ang nais nila ay mabigyan ng proteksyon at magamit ng mga OFW ang kanilang karapatan para matugunan ang kanilang hinaing. Kaya pormal nang nanumpa ang AKO-OFW Party-list kasama sina Yorme Vic Angeles na magpapatuloy ng magagandang sinimulan ng kanyang maybahay na si Congresswoman Christy Angeles ng District 2 at Vice Mayor KT Angeles ninais din nila na bumuo ng grupo ng mga OFW sa Tarlac City at KAISA OFW.

Samantala, nagpasalamat naman ang KAISA OFW at kanilang pamilya dahil na rin sa layunin ng AKO-OFW Party-list sa oras na maupo sila sa Kongreso dahil naniniwala sila na ang AKO-OFW Party-list ay bukal ang pagtulong dahil sila ang tunay na tumatayo sa sektor ng mga Pinoy worker.

46

Related posts

Leave a Comment