MANONOOD KA BA NG PELIKULANG PINIRATA O SA SINEHAN?

GEN Z TALKS

NAGING trending ang isang post ng netizen sa Facebook at X na kinukwestyon ang tungkol sa pagpipirata ng isang TikTok user ng kopya ng pelikulang Inside Out 2.

Sa bidyo ng isang tiktok user, ipinakikita dito ang pagmamalaki niya na mayroon na siyang kopya ng Inside Out 2 sa kanyang laptop kahit na ipinalalabas pa lamang ito sa mga sinehan. Ang Inside Out 2 ay nagsimulang ipalabas noong Hulyo 12 at ito ay nakakuha ng P88.8 million sa unang araw nito. Gumawa rin ng record ang pelikula dahil ito ay naging ikatlong pinakamalaking pagbubukas ng pelikula sa lahat ng panahon sa Pilipinas.

Kinukwestyon ng netizen na nag-post kung tama nga ba raw ito? Lalo na’t ang post ay mayroong mahigit 344 thousand likes sa Tiktok. Sinabi pa niya na tama raw na i-boycott ang Disney ngunit hindi pa rin binibigyang-katwiran ang piracy o nagpo-promote ng pirated na nilalaman. Gayundin, marahil ay dapat na hindi nanonood ng Inside out 2 kahit na ang pirated na bersyon. Dinagdag pa niya ang ibig sabihin ng boycott. Ang pamimirata raw ay tumutukoy sa hindi awtorisadong pagdoble ng naka-copyright na nilalaman na pagkatapos ay ibinebenta sa mas mababang presyo sa ‘grey’ na merkado. Ang madaling pag-access sa teknolohiya ay nangangahulugan na sa paglipas ng mga taon, ang piracy ay naging mas laganap.

Ang akin lang, may paganyan siya na boycott kamo pero siya itong hindi naman sumunod.

May nakita akong post niya na nanood siya ng Inside Out 2 sa sinehan. Iniengganyo pa niya ang iba na manood. Sabi pa nga ng iba, masama lang ang loob niya dahil binayaran niya ang panonood habang ang iba ay hindi na kailangan at bino-boycott pa ang Disney.

Ang Disney ay isang multi-bilyong dolyar na kumpanya na nagpopondo sa isang genocide. Nagsagawa ang Disney ng opisyal na anunsyo na mangangako ito ng 2 milyong dolyar at iba pang mga hakbangin upang suportahan ang Israel. Habang tahasang kinondena ng CEO ang mga pag-atake sa mga Hudyo sa Israel, hindi niya binanggit ang mga Palestinian na pinapatay ng militar ng Israel.

Dahil lang sa ilegal ang isang bagay, mali ang moral nito? Walang artistang sangkot sa paglikha ng pelikula ang hinamak sa pamamagitan ng pagpi-pirata nito. Iyon ang dahilan kung bakit pinili ng taong ito na maghanap at manood ng pirated na bersyon ng isang pelikula.

Na-experience ko na rin ang makapanood ng pirated movies. Noong bata ako, may mga pinsan ako na mahilig bumili ng CD sa bangketa. Iyong singkwenta pesos lang o mas mababa pa nga pero, makakapanood kana ng maraming pelikula kasi marami siyang laman at hindi lang iisa. Mahal pa kasi ang pangsine para sa amin noon kaya iyon lang ang afford namin. Bagama’t karaniwan ito, hindi nito ginawang mas labag sa batas.

Sabi nga ni Gabe Newell, “Piracy is almost always a service problem and not a pricing problem”. Ginagawa ng piracy na ma-access ng lahat ang mga pelikula. Kung makapulis naman, akala mo never nanood ng pirated sa tanang buhay niya. Ang piracy ay narito na sa loob ng maraming taon o dekada.

Ilegal ang pamimirata pero nagiging isyu lang kapag may nahuli. Ganyan lang gumagana ang mga bagay. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat natin itong pagbigyan.

162

Related posts

Leave a Comment