PARA SA MAS MATALINO AT MAS TIPID NA PAGGAMIT NG KURYENTE SA BAHAY. Inilunsad ng Meralco at LG Electronics ang Meralco Smart Home na nagpapakita kung paano makakatulong ang smart appliances at energy solutions sa mas maayos na pamamahala ng konsumo sa kuryente. Makikita sa larawan si Meralco Senior Vice President at Head of Customer Relations and Services Charina P. Padua habang nagbibigay ng kanyang pambungad na mensahe sa launch event noong Nobyembre 5, 2026.
Inilunsad ng Manila Electric Company (Meralco) at LG Electronics Philippines ang Meralco Smart Home, kung saan tampok kung paano makakatulong ang smart appliances at energy solutions para mas maayos ang paggamit ng kuryente at mas maging convenient ang pang-araw-araw na buhay ng mga pamilyang Pilipino.
Ang Meralco Smart Home ay isang experience facility na nagpapakita ng iba’t ibang LG appliances at energy solutions ng Meralco sa isang setup na kahawig ng isang tunay na tahanan. Dito makikita kung paano magagamit ang connected home technologies sa pang-araw-araw na gawain habang mas nagiging efficient ang paggamit ng kuryente.
Ayon kay Meralco Senior Vice President and Head of Customer Relations and Services Charina P. Padua, makakatulong ang Meralco Smart Home para mas maipaliwanag sa mga customer ang teknolohiyang ito upang makagawa sila ng mas matalino, ligtas, at tamang desisyon tungkol sa paggamit ng enerhiya.
MAS KOMPORTABLENG TAHANAN SA TULONG NG SMART TECHNOLOGIES. Tampok sa Meralco Smart Home ang mga makabagong appliances at home solutions na nagbibigay ng dagdag na convenience at tumutulong sa mas maayos na paggamit ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bahay.
Kabilang sa mga tampok sa facility ang LG appliances para sa air conditioning, refrigeration, laundry, cooking, garment care, at entertainment. Kasama rin dito ang mga Meralco solutions tulad ng Advanced Metering Infrastructure (AMI), Net Metering, Peak/Off-Peak pricing options, at Bright Ideas, na nagbibigay ng energy-efficiency tips at praktikal na paraan para makatipid sa kuryente.
Sa pamamagitan ng AMI program, mas nabibigyan ang mga customer ng access sa impormasyon tungkol sa kanilang konsumo sa kuryente, kaya mas namo-monitor at napapamahalaan nila ito.
Samantala, sa ilalim ng Net Metering program, maaaring ipadala sa grid ang sobrang kuryenteng nalilikha ng mga kwalipikadong renewable energy systems, tulad ng rooftop solar panels, kapalit ng bill credits. Sa Peak/Off-Peak program naman, maaaring makatipid ang mga eligible customers sa pamamagitan ng paglilipat ng paggamit ng kuryente sa mga oras na mas mababa ang rate, kung naaangkop.
Ani Meralco Executive Vice President and Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, ang Meralco Smart Home ang nagpapakita kung paano nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga customer sa grid modernization efforts ng kumpanya.
MAGKATUWANG SA PAGHATID NG INOBASYON. Ipinapakita ng Meralco at LG Electronics Philippines ang kanilang pagtutulungan upang mas mailapit sa mga pamilyang Pilipino ang mga makabagong home technologies at energy. solutions.
Para naman sa LG, ipinapakita ng partnership na ito na mahalagang gawing mas kapaki-pakinabang at madaling gamitin ang mga bagong teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan nito, masusubukan ng mga pamilyang Pilipino kung paano makakatulong ang mga appliances para maging mas convenient at efficient ang kanilang mga gawain sa bahay, ayon kay Nakhyun Seong, Managing Director of LG Electronics Philippines.
Bahagi ang inisyatibong ito ng pagsisikap ng Meralco na makapaghatid ng ligtas, maaasahan, at matatag na supply ng kuryente habang patuloy na pinapabuti ang karanasan ng mga customer sa pamamagitan ng mga bagong solusyon. Sa pagsasama ng home technologies at energy management solutions, tinutulungan ng Meralco Smart Home ang mga consumer na mas maintindihan ang kanilang konsumo sa kuryente at makagawa ng mas matalinong desisyon sa paggamit nito sa kanilang tahanan.
35 


