PINARANGALAN ang 400 pulis ng lalawigan ng Quezon, sa kanilang dedikasyon at pagsakripisyo sa kanilang pahinga para makatulong sa pagpapanatili ng seguridad ng 49th ASEAN Summit 2026.
Pinuri ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang Civil Disturbance Management (CDM) personnel nito na kabilang sa security deployment para sa international event na opisyal na nagtapos noong Nobyembre 17.
Matatandaang nasa 400 pulis mula sa Quezon ang inihanda para sa seguridad ng summit at ipinadala sa deployment matapos ang send-off ceremony na pinangunahan ni Quezon Police Provincial Director PCol. Romulo Albacea, noong Nobyembre 13 sa Camp BGen. Guillermo Nakar sa Lucena City.
Ayon sa QPPO, karapat-dapat kilalanin ang sakripisyo ng mga pulis na naglaan ng mahabang oras sa pagbabantay at pansamantalang nalayo sa kanilang mga pamilya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maayos na pagdaraos ng summit.
(NILOU DEL CARMEN)
45 