1.5M ARRIVALS INAASAHAN NGAYONG DISYEMBRE – BI

INAASAHAN ng Bureau of Immigration (BI) na aabot sa 1.5 milyon ang kabuuang arrivals ngayong huling buwan ng taon.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ipinakikita ng travel trends ang major increase ng travelers ngayong 2023.

Sa pangalawang quarter ng 2023, sinabi ni Tansingco, nagsimulang magtala ang BI ng isang milyong arrivals kada buwan, mas malayo sa halos 100,000 arrivals kada buwan noong kasagsagan ng pandemic.

Pagbabahagi pa ni Tansingco, nitong Nobyembre 2023, nakapagtala ang BI ng kabuuang 1,160,699 arriving passengers, halos kalahati nito ay foreign nationals.

Ito aniya ay sumasalamin na gumagana ang agresibong kampanya sa turismo ng gobyerno.

Ayon pa sa BI, bago ang pandemya, nakapagtala ito ng 1.7 milyon arrivals sa buwan ng Disyembre. Ang kabuuang bilang ng arriving passengers para sa buong taon ay 79% na mas mataas noong 2022.

(JOCELYN DOMENDEN)

60

Related posts

Leave a Comment