165 CHINESE MULA SA BAMBAN POGO, TINAPON PABALIK SA CHINA

UMABOT sa 165 na Chinese nationals ang ipina-deport mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang 165 Chinese nationals na ipina-deport ay kabilang sa mga inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Marso sa Bamban, Tarlac.

Ayon sa ulat ng PAOCC, ang mga naaresto ay pawang mga sangkot sa scamming activities.

Bukod dito, lumabag din sila sa Philippine immigration laws nang hindi sila nakapagpakita ng anomang travel documents, pagiging overstaying, at undesirable aliens.

Nabatid na kabuuang 167 dayuhan ang nakatakda sanang ipa-deport, gayunman ang iba ay may pending local cases sa Pilipinas.

Ang mga ipina-deport ay isinakay sa Philippine Airlines biyaheng Pudong, China.

Ang 165 na ipina-deport na mga dayuhan ay isinama na rin sa BI blacklist at pagbabawalan nang muling makapasok ng bansa. (JOCELYN DOMENDEN)

27

Related posts

Leave a Comment